SALTIK (One-Shot)

127 2 0
                                    

Sampung-taong gulang pa lamang ako noon ng maganap ang lahat,,

Malapit nang mag dapit-hapon nang pumunta ako sa Kanluran,

“Nasan po si Lolo?” Tanong ko kay Lola,

“Umalis na nanghuhuli ng pugo”, agad na sagot niya sa akin.

Nagmadali kong kinuha ang aking saltik at isinabit sa aking leeg, sabay pitas ng ilang bubot na bayabas.

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Lola sa akin,

“Susunod po aq, gusto ko pong sumama”, sabi ko

“Wag na! palubog na ang araw!” malakas na sigaw niya sa akin

“iiiiiiih!!!!”, pagpupumilit ko

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan..

“Pakiramdaman mo ang galaw ng mga dahon at ang ihip ng hangin, kapag ang direksyon ng galaw ng mga dahon ay hindi naaayon sa ihip ng hangin, lumayo ka sa mga puno .. pag nakita mo ang Lolo mo, wag ka basta basta lalapit, kailangang tawagin ka nya sa pangalan mo, kung hindi man, tumalikod ka na agad at umuwi naiintindihan mu ba?” Payo’t tanong ni Lola sakin

Nang mga panahong iyon, uso sa lugar ang mga espiritong nang-gagaya ng anyo ng iba, maraming nababalitang nawawala at hindi na muli pang nakikita.

“OPO!” Agad na sagot ko kay Lola sabay takbo paalis

Malayo na ang nararating ko ngunit hindi ko parin nakikita si Lolo.

Sumandal ako sa isang puno upang saglit na makapag-pahinga ng biglang umihip ang malakas at malamig na hangin.

Ang sarap sa pakiramdam ng hangin na dumadampi sa maliit kong katawan,

Inabot ako ng ilang minuto bago ko pa man maalala ang payo sa akin ni Lola,

Agad akong tumingin sa itaas upang pagmasdan ang galaw ng mga dahon.

 “Ito yung sinasabi ni Lola sa akin kanina” sabi ko sa aking isip

Agad akong tumakbo palayo sa mga puno kasabay ng pagtayo ng mga balahibo sa aking braso at batok.

Sa hindi kalayuan, may nakita akong mga taong nakatayo,

“Si Lolo!” Sigaw ko.

Malinaw lahat sa akin ang mga payo ni Lola bago pa man ako umalis kaya’t hindi ako agad agad na lumapit.

Lolo!!! Sigaw ko

Napatingin siya sa akin ngunit hindi siya nagsasalita.

“Lolo!!”! Sigaw kong muli.

Nakita ko kung gaano katalas ang tingin ng mga mata ni Lolo sa akin, hindi pa rin siya nagsalita at nagsenyas lamang sa akin na huwag akong maingay habang dahan dahan siyang lumalakad papalapit sa akin.

Alam ko na hindi siya ang Lolo ko

“Kaya lamang siya nagsenyas sa akin na huwag akong maingay ay upang walang makarinig ng sigaw ko at walang makakita sa amin” (takbo ng aking isipan habang papalapit siya sa akin)

Tumakbo na ako pauwi ngunit hindi pa ako nakakalayo ay huminto ako agad na puno ng tapang sa aking dibdib.

Tinanggal ko ang saltik sa aking leeg at ibinala and isang pirasong bubot na bayabas.

“Asintado ako! Asintado ako”! Paulit ulit na banggit ko sa aking isipan.

Agad ko siyang sinaltik na tumama sa kanyang tiyan, Sabay takbo pauwi sa bahay nila Lolo at Lola

Malayo pa ay nakita ko nang nakadungaw si Lola sa balkunahe ng bahay, nag-aalalang naghihintay ng aking pag uwi.

Nanlalamig at namumutla ang aking mga balat sa takot ng ako’y makita ni Lola

Wala siyang ibang sinabi sa akin kundi..

“Oh, Pumasok ka na at maglinis ng katawan”

Madilim na nang makabalik si Lolo dala ang mga nahuli nyang pugo na nakabitin sa isang payat na patpat.

Pinanood ko siya habang inaalis niya ang mga pugo sa patpat.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin nang biglang…

“ARAY!!!” Sigaw ko nang biglang palo niya ng patpat sa akin.

“BAKIT MO AKO SINALTIK HA LOKONG BATA KA Ah!!!” Sigaw ni Lolo sa akin!

“Eh tinatawag ko po kayo hindi kayo nagsasalita eh” sagot ko

“EH ALANGAN BAKA MAKATAKAS UNG MGA PUGO, IKAW NMN PALAHAW KA NG PALAHAW JAN” pasigaw na sabi nya.

Makirot ang latay ng patpat, hindi na ako nakapagsalita ng dahil sa lubos na pag-iyak,

Kinabukasan,

“Lolo!” Tawag ko sa kanya

Oh bakit?”  sagot niya

Masakit po? sabi ko

“Eh kung ikaw kaya ang saltikin ko, kita mo ngang pantal eh”! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SALTIK (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon