Chapter 17

278K 3.1K 25
                                    

CHAPTER 17

MAXINE’S

Labag sa loob ko ang nagising nang hindi dahil sa alarm clock ko. Naramdaman ko ang pagyugyog ni mommy sa balikat ko habang paulit ulit akong tinatawag.

“Maxine, ako ka ba, gising na.” I groaned at her. “Maxine!” Tawag nyang muli/

Marahan kong iminulat ang mata ko. “Anong oras na kasi?” Tapos ay kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan. 6 am? 6 am.. 6 am pa lang! “My, ang aga pa!” It’s Thursday at hospital duty ko ngayon. 2pm-10pm pa naman ang shift ko. I could still sleep until 11 am!

“Yung sundo mo nasa baba na, bumangon ka na dyan at baka malate pa kayong dalawa!” Mommy said.

“Sabihin mo mamaya pa ako..” Nang napagtanto ko ang sinabi ni mommy, napabalikwas ako agad ng bangon. “Sundo?! Sinong sundo?!”

“Wow, hindi ka naman exciTed, anak?” Panunukso ni mommy. “Si Dylan nasa baba na, kumilos ka na dyan.” Sabi nya pa.

“Dylan? Dylan? Oh, si Dylan! Bakit sya andito, my?!” Hindi makapaniwalang tanong ko.

Nagkibit balikat si mommy. “May usapan daw kayo eh.” Aniya na may mapanuksong ngiti.

“Wala kaming usapan, my! At duty ko ngayon, my! 2 pm pa yun.” Pagmamaktol ko.

“Eh yun naman pala, anak. Bakit mo pinapunta ng ganito kaaga si Dylan? Ikaw talaga, oo.” Mapangasar nyang sabi.

“Mommy, wala nga po kaming usapan.” Pagpupumilit ko ngunit ay nginisian lang nya ako.

“Ikaw, denial ka. Oh, eh, sabihin na nga natin na totoo yang sinasabi mo, eh bakit hindi ikaw ang magsabi nyan sakanya?” May halong pangaasar nyang sabi.

I sighed in defeat. Kahit kailan talaga ay hindi tayo mananalo sa ating mga magulang. “Fine, fine.”

“Great!” Masayang sabi ni mommy. “Oh, go fix yourself muna bago mo sya puntahan.” Kinikilig pa nitong sabi.

Pinanood ko si mommy na lumabas ng kwarto. She was in her usual morning get up. Nakapangexercise sya. Routine na nila ni daddy ang magjog every morning eh.

I didn’t really bother fixing myself. Hilamos lang tsaka toothbrush. Tinali ko na lang ang magulo kong buhok at ni hindi na nga ako nagpalit, nakapantulog pa rin ako. Bakit ba? Para saan? Eh sasabihin ko lang naman kay Dylan na lumayas na sya at isa syang malaking istorbo. Kung sana ay medyo late sya ng kaunti na dumating dito edi sana hindi nya naabutan sila mommy. Kinulit tuloy ako para gumising.

“Ginagawa mo dito?” Yan agad ang bungad ko sakanya.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon