Mae's POV
" Salamat. " Naramdaman kong lumuwag na ang pagkakayakap niya sa akin.
Please, Wag muna. Wag ka munang umalis. T.T
" Just take care of yourself, okay? " Rinig kong bulong niya saakin. At naramdaman ko ang warm lips niya sa aking noo.
Pero hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sakanya. At alam kong nagulat siya sa ginawa ko.
" Di-dito ka *sniff* muna.. P-*sniff* please? "
Ayoko muna siyang bitawan. Ayoko muna siyang pakawalan. Kahit saglit lang, maramdaman kong mahal niya rin ako. Please Lord?
***
Sampung araw na ang nakakaraan ng makasama namin ni Zac sina Tricia at Mer mag new year.
Hindi ko alam kung naging masaya ba, o lahat kami nagkakailanganan. Si Tricia ang pinaka talkative sa amin. Ewan ko kung manhid ba yun na ewan.
" Mae? uy? " Andito nga pala ako sa classroom namin. Nakapalumbaba at nakatulala. Hindi ko namamalayan na tinatabig na pala ko sa braso ng seatmate kong si Darryl.
" Ah-- Bakit? " Sabi ko nalang.
" Narinig mo ba yung in-announce ni Ma'am? " Hindi ako nakasagot. E kasi, paano naman ako makikinig kung napakalalim ng iniisip ko dito? Haaay.
" Nako ka. Buti nalang nakikinig ako kanina. " Minsan lang kasi makinig yan sa mga teachers yan. I mean, once in a blue moon. " Ang sabi ni ma'am magkakaroon daw tayo ng Culfest next week. " Culfest means cultural fest, this event include such competitions as dance, arts, music and drama.
Haay. Wala na namang gagawin next week.
" Ahh. May sasalihan kaba doon? " tanong ko sakanya. E hindi ko kasi alam ang talent netong katabi ko. Kung may talent nga ba?
" Hindi ko pa alam e. Bat kasi hindi nalang sportsfest. Tss. "
" Huu. Kunwari kapa, e wala ka naman kasing talent. "
" E ikaw meron ba? Yabang netooo. "
" Oo. Meron. E ikaw? Wala. Wala. Wala. " Binelatan ko siya. Akala niya huh?
" Woo. Lokohin mo lelang mo. " he stretched his arms at pinatong sa batok niya.
" Tse. "
" Anong talent mo aber? "
" Singing. "
" Ano?! Ikaw?! " tumango ako. Hindi ko malaman kung anong nangyayari dito, ubod naman ng OA.
" Sample nga. " Tinabig nanaman niya yung braso ko.
" Ayoko." E nahihiya naman kasi ako. Saka hindi ako uto uto no?
" E paano wala ka naman talagang talent. Daig pa kita. Ako may talent! " Pagmamayabang pa niya.
" Huwe? Hutot mo pows. "
" Tss. Ikaw pala. Ayaw pang maniwala e. "
" O sige. Anong talent mo? "
" Mang-akit. " sabay wink sa akin. Loko lokong to.
" Uy Kim. Narinig mo ba yung sinasabi ni Dylan? " Nakatingin ako sa may bandang likuran ni Dylan. Bigla naman siyang nanigas dun sa kinuupuan niya. Tumigin sa akin at nilakihan ako ng mata na para bang sinasabing 'keep-talking-and-ill-kill-you' .
" Hahahhahahahahahahaha!!! " Napahawak ako sa tyan ko. Paano ba naman kasi nakakatawa talaga yung mukha niya. Halatang takot siya kay Kim. Or should I say, inlove talaga siya kay Kim at takot na mawala ito sakanya.
" Hooy! Bat ka tumatawa? " Pabulong na sabi ni Dylan. " Anjan pa ba? " Tanong niya ulit na pabulong habang tinuturo niya yung bandang likuran niya kung saan ako nakatingin.
" E-- hahahaha-- Kase, Wala naman-- hahaha-- talaga si Kim e. Hahahhahahaha!! " Okay. Naluha na ko sa sobrang katuwaan ko sa katabi ko.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Lerman Logan | as Dylan Mer Cruz |
| Nozomi Sasaki | as Zhaira Mae Lipaz |
| Jang Guen Suk | as Myco Zac Corpuz |
| Nam Gyuri | as Tricia Kaye Reyes |