Rules and Regulations

1.3K 23 149
                                    

Magandang araw sa inyong lahat! Binuo ko po itong club na ito para sa mga istoryang walang nangangailangan ng 'reads'. Kaya naman po, kung interesado kayong sumali sa club na ito'y wag na po kayong mag-alinlangan pa't sumali na.

*Paano gumagana ang club:

 Ang club na to ay gumagana sa pamamagitan ng returning-reading style. Ipapares-pares ko kayo, at pagkatapos babasahin niyo ang kwentong gawa ng partner niyo. May isang linggo kayo upang basahin ang kwento ng partner niyo. Pagkatapos ng isang linggo'y, ipapares ko na naman ulit kayo sa ibang miyembro ng club na to.

*Mga dapat gawin at tandaan:

1. Matapos niyong basahin ang kwento ng kapares niyo'y kailangan niyong mag-iwan ng buod ng istorya dun sa huling kabanata ng kwento niya. Ngunit, kung ang kwento ng kapares niyo ay nasa 1-10 pahina lang, hindi niyo na kailangang mag-iwan pa ng buod, sa halip ay mag-iwan kayo ng mga komento niyo tungkol sa kwento niya. Maaari rin kayong magbigay ng mga payo!

2. Ang pagboboto sa mga kabanata ng kwento ay hindi kinakailangan.

  Hindi ko kayo pinipilit na bumoto. Pero kung sa tingin niyo ay karapat-dapat siyang bigyan ng boto edi bigyan niyo. Kayo na po ang bahala.  

3. Kapag natapos niyo nang basahin ang kwento ng partner niyo'y mag-comment lang kayo sa baba (sa may comment box) na tapos niyo anng basahin ang kwento ng partner niyo. Hindi na kinakailangan pang i-PM ako. Tandaan niyo, mag-comment kayo kng tapos na kayong magbasa, kasi kung sino lang ang nakapag-comment, sila lang ang isasali ko sa next pairings.

4.  Bawal dito ang mga kwentong may maseselang senaryo! 

*PAANO SUMALI?*

Paki-fill up na lang tong form na 'to.

*Pamagat ng Kwento:_____

*May-akda:______

Kung may mga katanungan kayo, feel free to ask. :))

Book Club (Exclusively for Filipino Stories) **OFFICIALLY CLOSED**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon