Chapter 30

283K 5K 375
                                    

30

Halos isang buwan na akong halos nagpapatintero sa pag iwas kay Gabriel dito sa office dahil halos isang buwan na at hindi pa din ako nakakahanap ng trabaho. Bakit ba ganito kahirap maghanap ng work ngayon?

Mabuti na lang at madalang na lang siyang pumunta dito dahil busy ata sa bago niyang company kung saan ako magpapainterview sana. At kung nagkataon man na nasa office siya at nagkaharap kami, hindi ko na talaga siya pinapansin.

At isa ito ngayon sa mga araw na pinagpasalamat ko dahil walang Gabriel sa opisina kaya may guts akong mag overtime ng kunti. By 6PM, lumabas na ako ng opisina at naglakad papuntang waiting shed kung saan ako pipila para sumakay ng jeep.

Pero hindi pa ako nakakaalis sa lobby ng tower nung may taxi na tumigil sa harap ko. Nilagpasan ko lang ito pero sa pagtataka ko, sumunod sa akin ang taxi at nagbukas ang window and I saw Gabriel driving it. Agad na nagwala ang puso ko na forever na atang traydor.

“Ihahatid na kita Mira.” Sabi habang sumasabay ang taxi sa akin sa paglalakad. Ano na naman ang trip nito at nagtataxi na naman? Nalugi na ba ang negosyo niya?

“Wala akong pambayad sa taxi.” Sabi ko sabay ismid. Akala ko ba Gabriel free ako ngayong araw?

“Sumakay ka na at ihahatid kita. Hindi na rin kita sisingilin.” Hindi ko na siya pinansin at naglakad ng mabilis. Doon ako dumaan sa lugar kung saan hindi makakadaan ang taxi niya para hindi niya ako masundan. May kasama pang dabog habang naglalakad ako.

Akala niya siguro dahil sa bumalik siya sa pagiging taxi driver ay babalikan ko na siya. Oo inaamin kong sa kaibuturan ng ngala ngala ko, kinikilig ako sa paghabol habol niya sa akin, pero kulang pa ang effort niya. Nakakainis talaga ang mga lalaking yan. Mga sakit sa ulo. Mga walang silbi sa lipunan. Mga…

“Ibigay mo sa akin ang bag mo.” Napatigil ako sa pagsumpa sa mga lalaki nung marinig ko yun. Iisipin ko sanang si Gab iyon kung hindi ko lang naramdaman ang tulis ng kung ano man ang tinututok sa akin at nung tingnan ko, hindi nga si Gab ang lalaki. Kinabahan ako kaagad. Siyempre, sino ang hindi kakabahan pag tinutukan ka? Kahit b-b-q stick pa siguro ang itusok sa akin, kakabahan pa din ako.

“O-Oi si Kuya. Kamusta ka na po?” Pinilit kong maging steady ang boses ko. OMG! Ayaw kong ibigay sa kanya ang buong bag ko. Paano ako makakauwi kung gagawin ko yun? Alangan naman na maglakad ako di ba?

“Wag nang madaming satsat. Ibigay mo na sa akin ang bag mo.” Ahh..scary si Kuya.

“Sandali lang naman Kuya. Konting kalma lang okay? Wag atat!  Ibibigay ko naman sayo pero pwedeng kunin ko muna ang ibang gamit ko like my ID’s, my make up, my hanky, and my comb? Kasi di ba wala ka naman pakinabang doon?” Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga pinagsasabi ko. Basta ang alam ko ayaw kong ibigay ang buong bag ko. Kaya kailangan kong makipagnegotiate. Tama, nadadala ang lahat ng tao sa negosasyon, sa mabuting usapan, sa diplomasya.

“Ibigay mo na lang lahat!” Singhal ni Kuyang holdaper.

“Kuya naman! Mag isip ka nga! Hindi mo naman mapapakinabangan ang mga yun lalo na ang ID ko. Imposibleng mapagkamalan kang ako. Mukha ka kayang ipis!”

That Mighty BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon