Nanlaki rin ang mga mata nang dalawa nang mapagtanto ang posisyon nila at ang pagpasok ni Donya Lyn. Agad na itinulak ni Sandy si Aled at sabay silang mabilis na tumayo.

“No, tita. You got it wrong. N-nadulas ho kasi ako.” Agad na paliwanag nya. Bakas sa mukha nya ang pagkapahiya.

Si Aled naman ay hindi nagsasalita. Naupo lang ito sa kama at tila walang pakealam sa iniisp nang ina.

Tiningnan nang Donya si Aled.

“Hindi ka ba marunong kumatok?” Walang emosyon na tanong nang lalaki sa ina.

“Ah.. S-sorry. H-hindi kasi naka lock..” Paliwanag naman nang Donya. “Anyway, it’s alright. Ikakasal na naman na kayo in five days. I got to go.” Sabi nang Donya at mabilis na lumabas.

Nakanganga naman na naiwan si Sandy. Nagulat sya sa pag-uusap nang dalawa. Tila hindi mag-ina ang mga ito. Tila ang Donya pa ang humihingi nang paumanhin.

“B-bakit ganon?” Tanong nya kay Aled

“What is it this time?”

“Ah wala.” Napangiti si Sandy nang may maisip na kapilyahan. “Sige, mauna na ako.”

Tinapunan lang ito nang tingin ni Aled.

Palabas na si Sandy nang pinto nang bigla syang bumalik at agad na ninakawan nang halik sa labi ang nakahigang si Aled tsaka sya agad na tumakbo palabas nang kwarto nito.

Narinig nya pa ang pagsigaw nito nang pangalan nya. Hindi nya mapigilan ang matawa. Ikakasal na naman na sila kaya hindi naman siguro masama.

 ----------------------------------------

“Akin na ang bag ko.” Pilit na inaagaw ni Sandy ang bag nya na agad na nahawakan ni Aled pagkababa nila nang kotse ngunit hindi nito iyon binibigay.

Naglakad lang ito papalayo sa kanya. Agad nya naman itong sinundan.

“Ano ka ba Alejandro. Give me my bag. Male-late na ako.” Inis na sabi nya rito. Imbes ay sinuot nito ang bodybag nya kasabay nang backpack nito at tuloy-tuloy na naglakad.

“Ihahatid na kita sa classroom mo.” Sabi nito.

“What? B-bakit?” Napatigil sa paglalakad.

Napatigil rin ito nang maramdaman na hindi na sya sumusunod rito at hinarap sya. “Hey. You stole a kiss from me yesterday, remember? It’s paytime.” He grinned. Muli itong naglakad.

Namula sya nang maalala ang ginawa nya kahapon, lalo na sa pag-ngisi nito. “Hindi naman yun utang. Edi i-kiss mo rin ako.” She teased at muling sinundan ito.