Chapter 20

457K 7.1K 748
                                    

Yumiko POV

Andito kami sa salas ni James. Movie marathon. Boring kasi. Buti nga walang lakad si James. At least nasamahan nya ako.

"Reid naman! You're so sungit talaga ever!"

Sabay kaming napalingon ni James sa main door dahil sa narinig naming boses ng babae.

Si Lance at..

Yun ba yung kapatid nilang babae?

"Stop it Fancy!" Sigaw ni Lance. As usual seryosong seryoso ang fiance kong magaling.

"Problema nyo?" Tumayo na si James saka sinalubong sina Lance. "Hi Fancy!"

"Patrick! Dito kana nakatira sa mansyon?" Amazed na tanong ni Fancy.

Na-OP naman ako sa magkakapatid. Nanonood lang ako sa kanila.

"Wag ka nga. James itawag mo sakin!" Reklamo ni James.

"I want Patrick! Okay? Look. Si Reid. Ayaw nya akong bilihan ng new car! Mygolly naman, I'm not a kid anymore. I can drive na naman."

Anong klaseng kapatid meron ang mga 'to? Maarte pa yata sakin 'to. Psh.

"Bro bilihan mo na yan. Baka magbigti pa eh." Natatawang sabi ni James. Loko talaga.

"No. You should be responsible first! Ayusin mo pag-aaral mo. Kababae mong tao, dinaig mo pa lalaki sa dami ng kalokohan mo!" Seryoso si Lance. Gumagana ang pagka-Kuya nya.

Hello? May tao dito? Di nila ako napapansin?

"Psh. You're so damot Reid!" Nakasimangot na si Fancy. Ang ganda nya sana at ang cute kaso ang arte nya magsalita. Nakakairita. Ang sakit sa tainga.

"Nga pala, Fancy pakilala kita sa fiance ko." sabi bigla ni James.

Seriously James?

"You have fiance na Patrick? Ohmy! You're so bata pa kaya! I thought si Reid ang may fiance?"

Pakana ni James.

Nagulat ako nang biglang lumapit sakin si Lance at hinawakan ako sa braso dahilan para mapatayo ako. "She's Yumiko Hayashi, my fiance. Yumiko, si Fancy bunsong kapatid namin."

I smiled at her. "Hi Fancy!" Medyo lame yung pagbati ko sa kanya. Kasi ang awkward ng feeling. Si Lance kasi.

"So you're my brother's fiance. Yeah, he's right. You're beautiful, sexy and so fashionable. Pero hindi kayo bagay ni Reid."

Sinabi ni Lance na maganda at sexy ako?

Pero anong sabi ng Fancy na yan? Di kami bagay? Pigilan nyo ko!

"Fancy." Si Lance.

"Why? I'm telling the truth lang naman. Hello? I don't want girls who are so tahimik. Parang ang hinhin mo. I want talkative like me. Errr!"

Malapit nako mapuno. Ako daw tahimik? Wow. Baka si Lance ang tahimik. Psh

"Fancy tama na yan. Dimo pa nakikilala ng lubos si Yumi."

"Why patrick? Pinagtatanggol mo sya? I'm gonna cry na. Reid oh.."

Umiinit dugo ko. Nagpipigil nalang ako pero konti nalang talaga.

"Fancy go to your room." Utos ni Lance.

"Psh. Wait lang Reid. Hey patrick, you said you have fiance. Where is she?"

"Si Yumiko ang sinasabi kong fiance ko." Sagot ni James.

"WHAT? So you're telling me na dalawa kayo ni Reid na papakasalan sya? Omygolly!" Pag-iinarte ni Fancy saka tumingin sakin. "Yumiko right? How dare you na kanyanin ang handsome brothers ko? You want mega sakal?"

Marry YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon