Gerald’s POV
Hindi ko akalain na magiging akin siya. Matagal-tagal ko rin hinintay ang araw na sasaagotin niya ako. Syempre ang saya-saya ko na nagging girlfriend ko ang isang Sarah Geronimo. Parang ako na yata ang pinakaswerteng lalaki sa buong mundo.
Papunta ako ngayon sa bahay ni Sarah, wala siya kasing work ngayon eh kaya pupuntahan ko nalang siya. Ti-next ko siya na pupunta ako sa bahay nila.
To Sarah:
Babe, pupunta ako diyan ha. Hintayin mo ako. <3
Ilang sigundo ay nag reply siya. Naka-ngiti ako habang binabasa ko yung message niya.
From Sarah:
Oh sige ba, anong gusto mong kainin? Ipaghahanda kita… <3
Ito yung pinakagusto ko kay Sarah eh, napaka-caring niya. Isa ito sa mga qualities niya na pinakagusto ko. Aba’y saan ka pa hahanap ng isang babae sa mundo na katulad ni Sarah? Buong tapang ko ipagmamalaki na ang aking girlfriend ay isang napakalambing at grabe magmahal sa kanyang pamilya. Napaka-family oriented niya talaga at doon ako natutuwa sa kanya, mahal na mahal niya ang kanyang pamilya at gagawin at gagawin niya ang lahat para sa kanila.
To Sarah:
Huwag ka na mag-abala pa, babe, baka mapagod ka pa. Makita lang kita buo na ang araw ko <3
I know, I know, napaka-corny ko. Eh sino ba naman ang hindi mag-ganyan eh ang sweet-sweet ng girlfriend ko eh. Maya-maya nag reply siya agad.
From Sarah:
Babe naman, huwag kang ganyan ah! Kinikilig ako eh! Hahaha! <3
Tumawa ako dahil alam ko napa-ngiti ko siya. Ilang minutes ay nakarating na ako sa bahay nila. Bumaba ako sa sasakyan ko at nag-ring ng doorbell.
'Yaya, ako na po.'
Narinig ko ang boses ni Sarah, ngumiti ako dahil alam ko na ako yung hinihintay niya. Binuksan niya yung gate na may ngiti sa mukha.
“Hi babe” sabi ko sabay yakap ko sa kanya. “Na-miss kita”
Tumawa siya sabay kurot sa aking pisngi.
“Asus, parang hindi tayo nagkita kahapon noh?” Sabi niya, hinalikan ko siya sa cheeks at hinawakan yung pisngi niya.
“Eh na-miss kita ng sobra eh”
“Hmmm, chosero! Halika ka na nga at pumasok na tayo sa loob”
Pumasok kami sa bahay nila at umupo sa sofa. Nakita ko yung Mommy at Daddy niya na bumababa sa hagdan, binati ko sila at tinanong ako kung ano ang ginagawa ko dito.
“Ah, gusto ko lang po dalawin si Sarah” sabi ko.
“Mommy, saan kayo pupunta ni Daddy?” tanong ni Sarah.
“Ininvite kasi kami ng kaibigan ko na mag-dinner eh.” Sagot ni Tita Divine.
“Ganun po ba. Eh sina Ate sasama din ba?”
“Hindi ata, ewan ko nga kung nasaan sila ng kapatid mo. Kayo nalang ang bahala dito sa bahay ah. Baka magabihan kami ng uwi ng Daddy mo. Ge, bantayan mo yung anak ko.” Sabi ni Tito sa akin. Buti naman at pinagkakatiwalaan nila ako.
“Huwag po kayong mag-alala Tita, Tito, ako na po ang bahala kay Sarah”
“Aba, nagsalita!” Tukso ni Sarah, tumingin ako sa kanya at sinabing
“Bakit wala ka bang tiwala sa akin na babantayan kita?”
“Babantayan ka diyan, eh kung tutulog ka na naman kagaya nung isang araw eh…”
“Pagod ako nun, kaya nakatulog ako.”
“Opo, kamahalan.”
Tumawa kaming dalawa at kiniliti ko siya sa beywang.
“Oy, huwag mo akong ganyanin ah… Mommy, text kayo kung uuwi na kayo ha” Sabi ni Sarah.
“Sige. Aalis na kami ha, kayo na bahala ditto sa bahay…”
Nung umalis na ang mga magulang ni Sarah nagyaya ito na kumain.
“Ge, gusto mo bang kumain?” Tanong niya sa akin.
“Alam mo ikaw, palagi ka nalang gutom. Hindi ka ba pinapakain dito?” sabi ko sabay tukso sa kanya.
“Aba, parang hindi ka rin gutom kung nanadidito ka eh noh?”
“Tssshhh, sure thing babe.”
“Bahala ka nga diyan” tumayo siya mula sa sofa.
“Oh, saan ka pupunta?”
“Sa kusina! Gutom po ako eh!” sagot niya sa akin habang lumalakad siya papuntang kusina. Tumawa nalang ako at tinukso siya ulit.
“Ay nako, baka tumaba ka niyan!”
“Wala akong pakialam! Basta huwag lang akong mamatay sa gutom!”
“Okay lang yan, babe! Ikaw pa rin ang pinaka-sexy at pinaka-maganda para sa akin!”
“Heh! Tumahik ka diyan!” Narining ko siyang tumawa sa sinabi ko sa kanya.
“I LOVE YOU BABE!”
“ILOVE YOU TOO!” Ganyan kami palagi kung kaming dalawa lang, nagtutuksuhan pero sa isang ‘ I love you’ lang ayos na ang lahat.
-------------
I'll be posting the next chapter as soon as i can :)
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Gerald Anderson | as Gerald |
| Sarah Geronimo | as Sarah |