Chapter Fifty-Six: My Sassy Girl

137K 1.7K 185
                                    

A/N

My Sassy Girl (Korean: 엽기적인 그녀; literally, That Bizarre Girl) is a 2001 South Korean romantic comedy film directed by Kwak Jae-yong. It tells the story of a man's chance meeting with a drunk girl on the train which changes his life. It is ostensibly based on a true story posted on the internet in a series of blog posts written by Kim Ho-sik,[1] which was later adapted into a novel.

The film was extremely successful in South Korea and was the highest grossing Korean comedy of all time.[2] When My Sassy Girl was released throughout East Asia, it became a mega blockbuster hit in the entire region, from Japan, China, Taiwan, Hong Kong, as well as Southeast Asia, to the point where it was drawing comparisons to Titanic.



Lian's POV

Tawa ako ng tawa habang nakikinig sa kwento ni Ricky.  Kasalukuyang nasa hapagkainan kami at naghahanapunan.  Nakaupo sa tabi ko si Corine at sa kabila naman ay si Ricky at Ram, nasa magkabilang dulo ng mesa si Dean at Gin.  

Ang saya ko.  Kasi naman para kaming nag get together.  High School reunion.  I looked each one of them and I smiled. They are the best people that i have ever met.  Hindi ko na alintana na wala ang babaeng iyon.  Malamang nagmamarakulyo pa sa away nila ni Gin.  I didn;t mind at all na wala siya sa harapan namin.  Mas maganda nga kung mag walk out ito at umuwi na lamang sa Manila.

Napasulyap ako kay Gin.  Bagamat nakangiti ito ay halatang kanina pa sumisilip sa hagdan. Narinig ko na sabi ni Ricky na nagtuloy sa kwarto si Alex at nag shower.  Nahuhuli ko na nag uusap ang dalawa pero hindi ko naman maintindihan.

"Hey, am I late for dinner?"

Napaangat ang mukha ko ng marinig ang boses na iyon na pababa ng hagdan.

She is smiling from ear to ear and wearing a simple dress and yet she looks beautiful.  Halatang nagbihis ito to make an impression.  Nahuli ko na lahat sila ay nakatutok lamang kay Alex.  Si Corine naman ay napatingin sa akin.

I saw Gin na akmang tatayo but she signalled na maupo na lamang ito.

Lahat kami ay napatanga ng walang anu anong yumuko si Alex at bigyan ng mabilis na halik sa labi si Gin.  I felt my face drained with color.

How dare...

Kitang kita ko na nanlaki ang mga mata ni Gin pero hindi inalis ang kamay ni Alex na nakapulupot sa leeg nito. 

Bitch.

Napaubo si Ram.  "Wow!  I should have bring my girl with me para hindi naman ako naiinggit," tukso nito ng sa wakas ay maghiwalay ang labi ng dalawa.

Nakita ko na namula si Gin samantalang ang babae ay tumawa lamang ng mahina na pinunasan ng daliri ang lipstick na bumakat sa labi ni Gin.

Pulang pula ako sa pagka asiwa at inis na nararamdaman.

She is declaring what she owns.

In front of me.

Tumawa sina Dean.  "Ang tanong ay sino sa kanila?" 

Nagkatawanan.

The girl smiles.  "Oh sorry.  We had a row awhile ago and I want us to kiss and make up," she said demurely na tiningnan si Gin na halatang nalunok ang dila.  Ni hindi makasalita.

"Wow!  I didn't know that Alex could be this sweet," sabi ni Dean.  "I should have courted you before you met this lucky man," nakangising sabi.

Natawa si Alex while Gin glared at him warningly.  "Back off," he said.

Pakiramdam ko kailangan ko na lumunok ng paulit ulit to swallow the lump constricting my throat.  

"Well, I am this sweet kapag behave siya," she said as she threw him a glance.  Gin looked at her.

"You know I always behave even when you are not around," sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa babae.

Umangat ang kilay ni Corine.  "Wow!  Good boy," biro nito.

Ricky smiles na kumuha ng tubig at uminom.  "Mabuti pa kumain na tayo at lumalamig ang pagkain.  At kayong mag love birds ay maghiwalay muna at baka kayo langgamin dyan," natatawang sabi nito.

I saw the girl was about to pull a chair pero maagap na naunahan ito ni Gin at inilagay ang upuan sa tabi niya,

"Sit sweetheart, at baka malayo ka lamang ng konti ay maging tigre ka na naman," anito sa seryosong tinig.

Nagkatawanan ang mga naroon maliban sa aming tatlo.  Natigilan ako when she looks at me at para bang naghahamon.

At nagsasabi na hinding hindi maagaw si Gin mula sa kanya.

I could feel my blood rising.

The war is on.

I accept the challenge.

I'll get him.  No matter what!


READ THE FULL VERSION ONCE YOU BECOME A VIP OR READ IT FOR FREE at www.nobelista.com


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Interested? Fill up our google form for the PROMO LISTING!

SEND us a message on Facebook: www.facebook.com/ForgottenMemories.mechaniclady

mechaniclady

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon