Chapter 72

87.2K 1.7K 367
                                    

Kinabukasan, medyo puyat pa ako dahil anong oras na ata ako nakatulog kagabi kakaisip kung anong nangyari nung isang gabi na lasing ako. God! Bakit ba kasi ang makakalimutin ko?

Pag-tingin ko sa phone ko, may tatlong message na puro unknown number, napano na ang mga kaibigan ko?

Unknown 1: This is me, Xian. Save me number okay?

Unknown 2: Be careful next time, don’t get drunk without me

Unknown 3: Good morning Nat! Let’s bond. It’s me Claire. :)

Una, sinave ko yung number ni Xian tapos nireplyan ko si Claire na kakagising ko lang kaya late akong nag-reply. Tinignan ko yung pangalawang message, sino ‘to?

Habang iniisip ko kung sya ba yung nag-hatid sa akin sa kwarto nung lasing ako, biglang nag-text si Claire

Claire Perez:  It’s okay, tara mall? Dito na ako sa kanto nyo. :)

Pagkabasa ko nung message, agad akong nag-hilamos ng mukha at bumaba para agad sabihan yung guard na may dadating na bisita. Di na ako nagulat kasi nung mga bata pa kami, sya ang laging sumusundo sa akin kapag pupunta kaming playground, di ko nga alam na nasa kwarto ko na sya nun e.

Pagkabukas ko ng pintuan, nakita ko agad si Claire na papalabas sa BMW nyang sasakyan. Nakasuot sya ng black shirt, white jeans at black stilettos. Simple but elegant.

“Nat!” bati nya tapos niyakap ako

 

“Napaaga ata ako ah?” sabi nya tapos tumawa “I miss your house, lumaki ah.” Sabi nya habang pinag-mamasdan yung bahay namin

 

“Nagpapaexpand kasi sila Dad every year kaya eto ang resulta, napasobra sa laki.” Sabi ko, tumango-tango naman sya

 

“Let’s go in my room, maliligo lang ako.” Sabi ko, ayoko naman syang pag-hintayin sa baba kaya sa kwarto ko na sya pinaghintay. And beside she’s not my guess, she’s my friend.

Pag-katapos kong maligo, nadatnan ko syang nanunuod ng Disney channel. Favorite nya parin hanggang ngayon ang cartoons kahit 18 na.

 

“Tapos ka na palang maligo, ako pipili ng damit mo para match tayo.” Sabi nya tapos sumabay sa akin pumunta sa walk-in-closet ko, kumuha sya ng white shirt, black jeans tapos leopard print heels.

 

“Ayos ba?” tanong nya habang minamatch ang shirt at jeans.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon