Kevin Sy. <3 (Voiceless fanfiction)

9.7K 257 107
                                    

 Hi Ate Denny!! Pahiram muna si Kevin Sy, ha? Sadyang mahal ko lang talaga voiceless eh. :)

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Alam ko ang stalker-ish ng dating ko, pero talagang mahal ko na siya dati pa. Simula pa lang, actually. Simula nang matatag ang bandang Runaway. Ewan ko ba, hindi kasi yung love na nanggagaling sa isang hamak na fan lang yung nararamdaman ko eh. Iba yung feeling. 

Hindi naman talaga ko attracted sa mga lalaking magaling kumanta o magaling maggitara. Wala rin naman ako masyadong pakialam kung gwapo ang isang lalaki o hindi. Pero kay Kevin Sy lang ako nainlike ng ganito. Nainlove pa siguro.

Simula non, natulad din ako kay Momo. Kung siya ang #0 fan ng Syntax Error, ako naman ang #0 fan ng Runaway. 

Tulad ni Momo, present ako sa lahat ng gigs at concerts ng banda nila. Never ako umabsent. Dumating pa nga yung time na umabsent ako sa finals namin para lang mapanood silang tumugtog. Mas kumpleto nga ata ang attendance ko sa kanila kesa sa mismong eskwelahan ko. Ganon ko kamahal si Kevin Sy, pati na rin ang Runaway syempre.

Nabalitaan ko yung nangyari kina Sync at Momo. Dahil nga sa medyo sumusubaybay ako sa kwento nila, eh nararamdaman ko na ang awa sa minamahal kong si Kevin lalo na nung nalaman kong ikakasal na yung dalawa. Gusto ko sanang maging shoulder to cry on ni Kevin pero alam kong malabong mangyari yun dahil nga isang ordinaryong tao lang ako at -0.000001% lang yung chance na mapansin ako ng isang taong alam kong hindi ko maaabot.

Pero hindi inaasahan ang mga sumunod na mga pangyayari. 

Dumating na ang araw ng kasal ni Sync at Momo. Pumunta ako sa simbahan kung saang gaganapin ang kasalan upang alamin kung dumalo ba si Kevin. Papasok pa lang sana ako nang makita kong nasa may labas siya na naninigarilyo kasama si Denver. Teka, naninigarilyo? Sa pagkakaalam ko hindi siya marunong at ayaw na ayaw niya yun. Amoy pa lang eh. Siguro nga dala yun ng matinding pagmamahal niya kay Momo. Dun pa lang eh alam ko na ang dahilan kung bakit hindi siya makapasok at maidala ang kanyang mga paa sa loob ng simbahan. Mahal niya pa rin si Momo.

Masakit. Masakit na malaman mong nalulunod sa kalungkutan ang taong mahal mo. Pero kailangang may magawa ako. Ayokong tumayo lang dito at pagmasdang nasasaktan ang taong matagal ko nang minamahal. 

Nakita kong pasakay na si Kevin sa sasakyan kung kaya't nasambit ko ang kanyang pangalan nang hindi ko rin inaasahan.

"K-kevin." 

Lumingon naman siya at kitang kita sa kanyang mga mata ang lungkot na nararamdaman. Sabi nga nila, mga mata raw natin yung nagsisilbing bintana sa tunay nating nararamdaman.

"Yes? May kailangan ka?"

Sadyang bumibilis ang tibok nang puso ko habang papalapit ako sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin kaya lumapit pa akong nang lumapit at binigyan ko siya ng isang yakap na puno ng pagmamahal at hindi lang basta awa. 

"A-ah, miss. Ano ba talagang kailangan mo?" Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Pero hindi ko siya binitawan at patuloy akong nakayakap sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kevin Sy. &lt;3 (Voiceless fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon