Introducing MPMMN

2.3K 45 4
                                    

**

akala..

akala ko nung una wala lang yang story na yan. Actually wala nga akong paki dyan. Basta ako, nagbabasa masaya na ko.

Matagal nang nasa library ko yung Book 1 ng Mr. Popular Meets Ms. Nobody. Snob nga lang yan saken eh. Sabi ko pa sa sarili ko noon 'Burahin ko na kaya to? walang kwenta naman ito eh. Title pa lang ang corny na' yang yung first thought na pumasok sa isip ko.

When I was about to press the delete button, a friend approach me. Pahiram daw siya ng phone ko kasi may babasahin siyang story. Tatapusin niya lang daw kasi hindi niya natapos sa wattpad.

That time yung phone ko may wifi-PLAN. Sabi ko sa kanya 'search mo na lang, ano bang kwento?' nacurious din kasi ako.

Sagot naman niya 'alamin mo. bleeeh' Wala na akong nagawa hawak na niya cellphone ko. Nagulat naman ako sa biglaan niyang pagsigaw 'Angie! bakit mo to buburahin! Hindi mo ba alam na ang ganda-ganda nito! Buti na lang nahiram ko cellphone mo!' pagkatapos niyang sabihin yun at magtantrums, umupo na ulit siya at kilig na kilig na nagbabasa.

Pagkabalik niya ng phone ko namamaga yung mata niya [Oo. Ang OA. Pramis.Pero seryoso maga ang mata niya]. Tinanong ko naman siya kung bakit pero ang sagot niya 'Naiinis ako kay Mandy! Ang panget niya mukha siyang hipon. Mas maganda pa si Chelsea sa kanya'

Syempre ako nagulat, kaibigan ko si Mandy eh, tapos sasabihan niya ng ganon? That time my hard feelings ako kay chelsea, kaya nainis ako sa friend ko.

Sisigawan ko na siya ng naunahan niya ko 'Naiinis rin ako kay Kyle Shin Woo! Iniwan niya si Chelsea Torres! Huhu. Bwiset!' Tapos umalis na siya.

Nagulat ako, syempre masisigawan ko siya eh. Buti naunahan niya ko.

Pero, teka? Kyle shin woo daw? Sino ba yun? Yun ba yung Story na binasa niya?

Dahil na curious ako, nagmadali akong basahin. Binalik ko sa pinakaumpisa. Nung unang takbo ng storya naboboring ako. Pero habang tumatagal, grabe lang.

Kinain ko lahat ng sinabi ko. Kasi sa totoo lang, naiyak din ako sa book 1. Halos sisihin ko na yung kaklase ko nung ma-inpluwensyahan niya akong basahin yun. Kasi as in, that time, manununtok ako ng may pangalang kyle.

Grabe lang, nasundan pa ang pagbabasa ko. Napadaan na ako sa Book 2 na ngayon ay On-going. Napasilip narin ako sa Marry you. Naging maka-Pinky ako.

Si Ate Pinkyjhewelii na nga ang pangatlong pinky na nakilala ko eh. May kaibigan kasi akong pinky. Mama ko sun,.pinky.

Nagkalat ang Pinky-Lovers, haha XD

Ganyan ko nakilala ang Mr. Popular Meets Ms. Nobody**

***

True Story po ito.

Hindi ko po ito ginagawa para magpasikat. Mahal ko lang talaga si Ate Pinky ^^

Guys pag narinig niyo na yung tune wag niyo pagtatawanan boses ko dun ah. Phone record lang kasi yun..Ang mahalaga sakin marinig niyo lalo na ni Ate Pinkyjhewelii yung tune. Nasa External link po.

Compilation of a Composed SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon