Chapter 9

270K 3.1K 68
                                    

CHAPTER 9

“Ma’am, ako pa rin po ba yung nurse ni Mr. Sebastian, yung kahapon po from ICU, yung nasa suite po?” Tanong ko sa CI ko the following day bago magumpisa ang duty namin.

“Hindi na. We need to turn the full service sa mga staff nurses. I just let you experience how to look after a big time client.” She said nicely.

“Thank you, ma’am.” I answered. Nakahinga ako ng maluwag dun ha.

“Ay, hindi nyo na kukunin yung pasyenta dun, ma’am?” Singit ng isang nurse.

“Oo. Baka mamaya may hindi maiwasan na mangyari, ayoko naman mapahamak ang estudyante ko and put my liscence at stake as well.” Propesyunal na sagot ni ma’am Santos.

“Ay naku, sayang, Maxine. Andito yung anak na lalaki kanina ni Mr. Sebastian. Di mo nakita, sayang!” Singit ng isa pang staff nurse.

“True, girl! Ang pogi kaya!” Sagot ng nurse kanina.

“Sayang, nakalimutan ko tanungin yung pangalan. Pero basta, matangkad, gwapo, matangos at grabe talaga basta ang pogi!” Kilig na kilig na sabi ng isa pang staff nurse.

And then it went on and on and on and on.. halos buong shift ay ganon ang pinaguusapan, lalo na kapag nakikita nila ako. Sayang daw kasi. Baka nga daw magustuhan pa ako nun kasi may itsura daw ako at ako pa ang nagalaga kay Mr. Sebastian nang nailipat sya dito.

I sighed after doing my last interventions for my patient that night. Isang oras na lang kasi at tapos na ang duty namin.

Hawak hawak ko ang mga nagamit kong bagay para sa ginawa ko habang papalabas ako. The only thing left for me to do is to countersign my patient’s chart dahil naibigay ko na sakanya ang kanyang gamot para sa oras na ito. Yun na lang naman ang kulang.

I was about to leave the ward when one of the patient’s watcher stopped me and asked if I could help her apply powder on her husband’s back. Pf course pumayag ako. Pansamantala kong inilapag muna ang mga gamit ko sa ibabaw ng isang bakanteng lamesa at nilapitan ang pasyente.

After doing what I had to, lumabas na ako ng ward. I was kind of curious dahil malayo pa lang ay natatanaw ko na ang istura ng ibang nurses. They looked so happy. Nag nakita ko sila ng malapitan, their faces were red! Parang kinikilig.

“Naku, Maxine! Sayang! Di mo nanaman nakita!” Di nakatiis na sabi sakin ng babaeng staff nurse.

“Po?” NAlilitong tanong ko.

“Andito yung anak ni Mr. Sebastian kanina!” Pigil tili na sabi ng isa.

“Kakaalis lang nya mga two minutes ago!!!” The other one said. Nalaglag naman ang panga ko sakanila. Shit. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon.

“Lagi kang late, girl!” Sabi ulit ng isa.

Wait.. so, it means andito sa hospital na ito yung anak nya?! And we afre on the very same floor! I wasn’t really so sure what to feel. Kinakabahan ako na ewan.

For the few minutes, I decided to spend it with my classmates na tapos na rin sakanilang gawain. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong tumingin tingin sa pintuan ng suite ni Mr. Sebastian at hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagpapakastress sa anak nya. I don’t even have any idea who his son is.

Not long enough, my dad came to the nurses’ station with his suite. I heard him saying that he would check Mr. Sebastian first bago kami umuwi. Hindi naman sya nagtagal.

“Well, he wants to go home tomorrow.” Pagbabalita nito samin.

“Masyado pa yata maaga para umuwi sya, doc.” One nurse said.

“Yan din ang sinabi ko. I said it would be better kung dito muna sya sa ospital para mamonitor but he insisTed na kailangan na nyang umuwi.” Nang sabihin ni daddy iyon ay halata nag pagkalungkot ng mga nurses na may gusto sa anak ng pasyente. “And that is hy I need you to make him sign this form.  We need this para hindi tayo mapahamak in case something bad happens to him. And also, explain why we need him to stay here for another day.” Utos ni papa sakanila.

Oh.. so uuwi na sila bukas. Buti n alang at last day na ng duty ko ngayon this week. Hay.

Wait, why am I so bothered about his son again?

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon