Chapter II [Pwede ba?]

101K 1.8K 279
                                    

Isang linggo na matapos ‘yong convo namin ni Cyl sa internet café. What I just said there was just an answer of a what if question kaya hindi talaga pumasok sa isipan ko na totohanin ‘yon.

"Miss Lisondra"

Napanganga—este, natameme lang pala ako nang makita ang lalaking nakaupo sa harap. Shine bright like a diamond nga ang peg ng mga mata ko sa super duper gandang view na nasa harap ko ngayon.

Kanina pa ba sya dyan at nakita nya kaya akong nakatulala? Bakit di ko man napansin ang pagdating nya? Baka mala-model ang paglalakad nya at di ko man lang nakita. How sad.

Ako lang sana ang makakakita kasi kami lang dito sa office nya. Pinatawag nya kasi ako.

For what reason? Aba, malay ko sa lalaking ‘to. Di naman kame close e, kahit na pangalawang sem na ‘to na Professor ko sya sa isang Science subject. Tsaka unang beses din nya ‘tong pagtawag sakin.

Omo. Baka naman makiki-FC(feeling close) sya kasi may gusto sya sakin???

Ay malandi ka Mei! Kay aga-aga nahawaan yata ako sa kade-daydreaming ni Cyl.

  

But putting that aside… shet.                            

Adsfdndksfnk! Pakiramdam ko tumutulo na laway ko sa sobrang ganda ng view. Pero syempre, I’m just exagerrating. Ganito ako pag lumalandi. Hahaha.

Pano ko mapipigilang di lumandi e ang pogi naman kasi ni Sir?!

Lantad na lantad ngayon ang God-given face nya lalong lalo na at di sya naka-eyeglasses tulad ng nakagawian nya pag nagkaklase kami at naglalakwatsa sya dito sa loob ng University.

Isa pa, imbes na naka-polong baduy ang kulay ang suot nya ay nakaplain white shirt lang sya na mas lalong dumadagdag sa oozing na kagwapuhan nya.

Teka, nasabi ko na bang aside from being a plain white shirt ay manipis pa ‘yong tela ng t-shirt na suot nya? Edi in short, nagpye-pyesta ang aking inosenteng mga mata sa ABS-ilicious ny—Ano nga ulit sabi ko? Aish. Putek na bibig ‘to, ang landi!

"Miss Lisondra, is there anything you want to say after what I've just told you?" Nabalik ako sa katinuan ko nang tinapik nya ang mesa.

May sinabi pala sya? Bat di ko narinig? Aish! Bakit kasi ako lumalandi sa isipan?

  

"Po? May sinabi po pala kayo?" 

  

Kumunot ang noo nya sa sinagot ko at ipinagkrus ang dalawa nyang makikisig na bisig. 

   

Omo. I never knew, a geek like him would be this hot.

  

"Miss Lisondra. I just told you that you FAILED for the third time in our weekly exam. 3 weeks pa nga lang tayo, pero puro ka na bagsak. Are you even serious about this subject?"

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon