Chapter 8

279K 3.4K 47
                                    

CHAPTER 8

Pangalawang araw ko na dito sa surgical ward at so far, hindi ko pa nga naman nakikita si Dylan. I don’t even know why I had been thinking about bumping with him around here since Roxy told us that news.

Pero si daddy, lagi lagi kong nakikita. Afternoon to evening kasi ang shift namin pareho. I get to eat with him kapag hindi sya gaanong occupied sa pasyenteng binabantayan nya, or di kaya naman minsan ay sa office nya.

Nurses, my clinical instructor and my co-nursing students know that my father works here. Pero wala namang special treatment na nangyayari. Pare-pareho kami ng ginagawang trabaho. Why would i want special treatment? The reason why I’m here is that I want to learn.

I was checking my patient’s chart when someone had hit the bell. Lahat kaming nasa nurses’ station ay napatingin.

“Admission.” The staff nurse said as he was carrying his patient’s chart and a blue basket.

“Oh, sinong na yung pangalawa sa list na magaadmit?” Ma’am Santos, our clinical instructor asked.

“Ako na po, ma’am.” I answered.

Nilapitan ko iyong staff nurse kasama si ma’am Santos. The staff nurse starTed endorsing his patient.

Edgar R. Sebastian. Suite ang kinuha nito. Kagagaling lang nyang ICU. He went for a brain surgery a week ago at kahapon lamang nagising. They had monitored his condition for 24 hours at lahat naman ay maayos na kaya bingyan na ng permiso na mailipat na dito sa area namin. And oh, pasyente pala sya ni daddy. Baka ito yung sinasabi na tinututukan talaga nya.

“Ah, ano daw cause ng brain surgery nya, sir?” Ma’am Santos asked the nurse.

“Ay, nabaril ho.” Sagot ng nurse habang inaabot ang mga gamot nito samin.

Saglit akong natigilan. Nabaril? Brain surgery? ICU?

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon