His hair

33.2K 1.2K 185
                                    

"Mama, alis na ako!" - sigaw ko habang dali-dali kong nilalagay sa bag yung baon kong pagkain

"Osige, mag ingat ha! Pagpasensyahan mo na yung---"

"Ayos lang Mama! Bye, late na po ako!" - sabi ko at patakbong pumunta sa sakayan ng dyip

As usual, mahirap makasakay dahil punuan.

"Kuya, sabit na lang ako. Pwede po ba?" - tanong ko dahil talagang late na ako

"Naku hindi. Baka makita ng mga pulis sa check point. Bawal" - sabi ni Manong kaya tumango tango ako

Naku!!! Late na ako!!!

Di kasi ako nakatulog plus walang akong alarm dahil yung phone ko--- Saglit! Nagtatakbuhan lahat ng mga pasahero dun sa bagong dating na dyip! Syempre, pandali rin ako para makasakay. Kailangan kong umabot sa oras!

Mabuti naman at parang eroplano yung takbo ng dyip. Dahil nga punuan, hindi na s'ya patigil-tigil. Pagtigil naman ng dyip sa school ko ay agad akong bumaba at patakbong pumasok ng school. Napuna pa ako ng guard na huminga daw muna ako pag may time. Sensya s'ya at hindi ako tumawa sa sinabi n'ya kasi talagang nagmamadali ako.

Dali-dali kong inakyat yung hagdan para makapunta ng room.

"Ah sorry!" - sabi ko dahil may nabangga akong lalaki

Napatingin ako sa tenga nito at may tatlong maliliit na bilog (piercing) ang nakatusok doon. Mukhang rebelde pa ata yung nakabangga ko. Takot pa naman ako sa mga ganyan... Uh pwera na lang dun sa ano... Wait, wala na kong time para mag-isip pa.

Tumakbo ako kaya naunahan ko yung rebelde sa paglalakad. Lumingon ako sa di ko alam na dahilan. Muntik naman akong ma-istatwa sa nakita ko pero dahil may bumating reader ko(?) ata eh agad kong binaling yung tingin ko dun at nginitian yung tumawag.

Dali-dali din naman akong pumasok ng room kasi baka time na.

"Safe ka Mee! Wala pa si Ma'am!" - rinig kong sabi ng kaklase ko habang hinahabol ko ang hininga ko

Ngumiti na lang ako sa kaklase ko habang pumupunta sa aking upuan. Agad akong kumuha ng pwedeng ipamaypay sa sarili ko.

Bigla namang nagbukas ulit yung pinto kaya tumingin ako doon para tingnan kung si---

"Wow! New haircut!" - rinig kong panimula nung kabarkada ni Jay na malapit sa may pinto

At s'ya nga yun... Di ako nagkakamali. Yung lalaking nabangga ko kanina... Si Jay.

Nagtinginan naman yung mga kaklase namin kay Jay na kakapasok lamang. Kanya naman agad na hinarangan at iniiwasan ang kamay nung kabarkada n'ya sa paggulo ng buhok n'ya.

"H'wag ka nga!" - inis na sabi ni Jay sa barkada

(Short Story) Loving JTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon