85: The Bad Boy King (Last chap)

3.4M 67.8K 48.4K
                                    

JEYDON


"Aish, that girl! I hate her, she's so annoying."

Potek! Ang aga-aga, bad trip siya.

"Nakakainis talaga."

Binato ko nga siya ng unan.

"Ouch! Hyong, masakit!"

"Nakakairita ka. Kanina ka pa bad trip diyan, baka pati ako mahawa."

"Si Tammy kasi, palagi na lang akong sinusundan. Naiinis na ako, hindi ko tuloy na-enjoy 'yong pag-stay natin dito."

Sumama-sama pa kasi sila rito. Kung nando'n lang sana siya sa bahay, e di, hindi siya nainis nang ganoon. Masarap pa sana 'yong tulog niya.

"Buti na lang, last day na natin dito. Hyong, ano, ready ka na ba sa date n'yo mamaya ni Candice Noona?"

"Ako pa? Pinaghandaan ko na 'to kagabi pa." Sigurado akong unforgettable 'yong gagawin ko na hindi na iisipin ni Candice na tumingin pa sa iba.

"Hindi na pala ako sasama sa breakfast natin. Ayokong makita si Tammy. Sisirain niya lang agad 'yong araw ko," sabay walk out. Ang arte niya, choosy ang pucha.

Pumunta na lang ako sa lobby ng hotel namin. 'Yon na ang last day namin doon kaya napag-isipan ni Tita Candy na magsalu-salo sa may VIP area ng hotel namin. Nagpahanda ako sa chef namin ng maraming pagkain. Sigurado akong matutuwa na naman si Candice. Sobrang takaw ng asong 'yon. Akala mo, may dragon sa tiyan. Saan kaya nagmana 'yon?

Noong nasa lobby na ako, nandoon na silang lahat maliban kay Jayshin. Sira talaga 'yon, nakakahiya sa kanila, siya lang 'yong wala.

"Nasaan si Jayshin?" bungad agad sa 'kin ni Candice.

"Malay ko ro'n. Bakit siya 'yong hinahanap mo? Nandito naman ako." Sumimangot ako sa kanya pero pinagtawanan lang niya ako. Tumaas 'yong kilay niya bigla tsaka parang may kung ano siyang iniisip. "Ano naman ang iniisip mo riyan?"

"Wala rin kasi si Tammy rito. Hindi kaya magkasama sila ni Jayshin?"

Hindi ko napigilang matawa. Si Jayshin, sasama kay Tammy? Haha, bitch, please.

"Bakit ka tumawa? Hindi naman imposibleng magkasama 'yong dalawang 'yon. Malay mo, nahihiya lang sila sa 'tin kaya kunwari magkaaway sila pero ang totoo, in love na sila sa isa't isa." Kinilig-kilig pa siya. Minsan, hindi ko maintindihan si Candice, lakas ng trip, e. Obvious namang ayaw ng kapatid ko kay Tammy. Pinagpipilitan pa talaga niya.

"Pupusta pa ako, hindi 'yon magkasama." Ipupusta ko pa ang Ferrari ko. Kilala ko 'yong kapatid kong 'yon. Kapag ayaw niya, ayaw niya. Mana sa 'kin 'yon, kaya nga hindi na rin nakakapagtakang napakagwapo niya. Wahaha!

May bigla namang umepal sa usapan namin ni Candice.

Parang gago si Troy, susulpot na nga lang bigla, lakas pang tumawa. Ano naman kayang nakakatawa? "Sorry, Jaydee, but you're wrong. Actually, magde-date 'yong dalawang 'yon kaya nga wala silang dalawa rito."

Pareho kaming nagulat ni Candice. "Date?!"

"Oo, date. Baka magulat ka, Jeydon, bukas, sister-in-law mo na 'yong kapatid ko."

Si Tammy, magiging hipag ko? Kahit minsan, hindi ko naisip 'yon. Ayos lang din sa 'kin basta hindi niya na pagmamalditahan si Candice.

Kaso kilala ko 'yong kapatid ko, ayaw niya sa mga katulad ni Tammy. Maarte, maldita at sobrang kulit, parang Kuya Troy lang niya. May ginawa siguro si Troy.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon