Chapter 1

565K 5.1K 122
                                    

CHAPTER 1

I almost jumped when my alarm suddenly starTed making noises. I took my phone under my pillow and slid the screen to the left for it to stop. And goodness, I will never put it in its full volume ever again, hindi lang diwa ko nagising eh, eardrums ko basag din.

I hate the fact that I really need to use my alarm just to wake up as early as 5 am. Eh pano naman kasi, I need at least an hour and a half para mag-ayos ng sarili and another hour para magbyahe papuntang school. Although 9 am pa naman ang klase ko, gusto ko lang kasi talaga libutin yung school na pinasukan ko. I swear, after I settle everything, unang  una kong gawin ay ang maghanap ng apartment o kaya condo malapit sa school.

“Maxine, baba ka na, di ka pa nagaalmusal baka malate ka na!” Narinig kong tawag sakin ni Nanay Cora an almost an hour and a half later.

“Opo, nay! Nagbibihis lang.” Sagot ko sakanya habang hinihubad muli ang suot ko. Kung bakit ba naman kasi ako nakabalik sa pagtulog after turning that freaking alarm clock off.

Madli kong tinungo ang built-in closet ng kwarto ko at naghanap ng damit. Oo, built in lang, hindi walk in, masyadong pangmayaman na iyon. Kinalkal ko ang laman ng cabinet ko hanggang sa may nakita akong itim na t-shirt. Isinuot ko agad iyon.

“Pwede na to.” Bulong ko sa sarili ko tapos ay nagsuot ng flats. Madali ko ring inabot ang bag kong nasa ibabaw ng makalat kong kama bago kumaripas ng takbo.

“Nay, alis na ko!” Hindi ko na hinintay pang sumagot si Nanay Cora dahil alam ko namang papagalitan lang ako nun. Hehehe.

Nanay Cora has been my nanny since I was four. Yun din yung time na pumasok ako bilang kindergarten, busy na kasi si papa noon sa pagiging doctor and si mama naman nun inaasikaso yung sa maliit nyang boutique kaya kinailangan na ng magtitingin sakin.

Nanay Cora has no other family, sadyang kami na lang talaga ang pamilya nya and I love her, too. Don’t get me wrong, wala akong hinanakit sa parents ko, bagaman busy sila sa trabaho, hindi nila nakaligtaan na ipakita sakin ang pagmamahal at pagunawa nila. I have the best parents.

I sighed as I saw my school. Ilang beses ko na tong pinagisipan pero hindi pa rin ako makahanap ng ibang dahilan kung bakit dito ko napiling mag-aral bukod sa andito ang mga naging kaklase ko noong high school bago pa man ako lumipad sa US upang maghomeschool ng dalawang taon. My friends are here, even my ex-friends.. I just shrugged and made my way out of my car.

I tried my very best not to look bad today and not to look that I have really spent some time preparing for this day, I should look normal, well not that normal but I have to show them that I have changed.. at least a bit.

I roamed around the school since I'm an hour early for my first subject. Sinadya ko talaga yun para makita ang mga magiging rooms ko at para na rin makakita ng tatambayan sa dalawang oras kong vacant.

I went to my building and searched for the rooms. I wonder kung paano na mamaya. Alam kong wala pang may alam ni isa na nakabalik na ako, even my friends. Pano nga ba naman nila malalaman eh pinutol ko lahat ng nagkkonekta sakin at sa mga kaklase ko noon. I never talked to anyone of them kaya ni hindi ko na rin sigurado kung may kaibigan pa nga ako.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon