[12] Campaign

628K 11.2K 3.4K
                                    

[12] CAMPAIGN


NATHAN'S POV

Sinet ko ang alarm clock sa 7:30AM, pero mas alert yata ang body clock ko dahil nagising ako ng 7AM. Nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko pa lang ng pinto ay automatikong tinignan ko ang pinto ng guest room kung saan natutulog si Kaye Anne. Sigurado akong tulog pa siya ng ganitong oras. Pangatlong araw na naming magkasama kaya alam kong 8AM siya nagigising =_______=

Pagkababa ko sa kitchen, naabutan ko si Ate Lie na nagluluto. Napakamot nalang ako sa batok ko nang makita ang mga kalat sa kitchen counter. Ganyan yan magluto eh, napakakalat.

"Morning," bati ko sa kanya at agad naman siyang lumingon.

"Good morning, bro." Sumaludo pa siya sa akin at bumalik na sa paghahalo ng niluluto niya. Sa amoy pa lang, alam kong sopas ang niluluto niya ngayon.

"Ako dapat ang magluluto ngayon. Inunahan mo ako."

Taas noong ngumiti naman siya sa akin. "I'm an early bird, Nathaniel. Okay lang yan, bukas ka nalang magluto. Gusto ko lang ipagluto ang asawa ko."

Napailing nalang ako at pinagkrus ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko. "Maaga na nga rin akong gumising para ipagluto si Kaye Anne pero naunahan mo pa rin ako." -___-

Tinakpan niya muna ang kaldero bago siya humarap sa akin. Sa paraan ng pagngiti niya, alam kong nang-aasar na siya. Takte! Habit pa naman niyang pikunin ako.

"Asawa ko ang ipinagluluto ko. Bakit, asawa mo na rin ba si Kaye Anne?"

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Hindi ah! Naku, Ate Lie, ang aga-aga, nang-aasar ka." Lumapit ako sa lamesa at humila ng isang upuan at umupo paharap sa direksyon ni Ate. "Bisita ko siya. Malamang, aasikasuhin ko siya."

"Bisita lang ba o bisita with benefits? Pfft! Natatawa lang ako sa sinabi mo. Para kasing asawa mo rin siya kung makapagsalita ka." Ngumisi siya sa akin pagkatapos nun. "Eh paano mo i-eexplain yung naabutan kong pangyayari kahapon, aber? Nathaniel, huli ka na sa akin. Baka magpalusot ka pa?"

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Shete. Malamang, ang tinutukoy niya ay yung sa office ni Papa. Kung bakit ba kasi hindi uso sa kanya ang kumatok? (_ _")

"Uyyyyy~ Si Nathaniel, nagbablush~~ Hihihi!" :">

Kiniskis ko gamit ng palad ko ang sarili kong mukha. Potek! Nag-iinit nga ang mukha ko. Langya naman oh!

"'Wag ka nga, ate! Bat kasi 'di ka kumatok kahapon??" Iritableng tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. "Aba, malay ko bang ayaw niyong magpaistorbo? Naka-half open kaya yung pinto." Humagikhik pa siya na parang kilig na kilig. "In fairness, Nathan ah, anong klaseng posisyon yun? Masyado mong pinakumplikado. Dapat nakastand properly nalang kayo saka mo siya hali-----"

Pinutol ko ang anumang sasabihin niya. "Intindihin mo nalang yung niluluto mo, Ate Lie. Nagvovolume up na oh!"

"Ohhkaaaaay, relax. Hahaha!" Sabi pa niya bago niya harapin ang niluluto niyang sopas. Takteng yan... Sa lahat ng makakakita, bakit si Ate Lie pa? Number one madaldal pa naman yang kapatid ko.

"Hindi pa ba maluluto yan? Magtotoast nalang ako ng tinapay."

Kahit na iniintriga ako ng kapatid ko habang naghahanda kami ng almusal, inaamin ko, nag-eenjoy naman akong kasama siya. Nakakamiss din naman kasi siyang cooking buddy kahit papaano. Simula nang ikasal siya, hindi ko na siya gaanong nakakausap kaya kahit anong pangpipikon niya sa akin ngayon, pinapabayaan ko nalang.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon