Prologue

106 4 3
                                    

Prologue

I WOULD NEVER FORGET THAT NIGHT. Ito ang araw na ibinigay sa akin Mama ang pinakagusto kong laruan. At ito rin ang araw na nawala sakin ang dalawang mahalagang tao sa buhay ko, si Mama at si Papa.

"Airplane na de-remote Ma, yun lang po... Promise, wala na akong ibang hihingin." pangungulit ko kay Mama nung nakita ko yung laruan sa mall.

"O sige anak, pagalik ni Papa magpapabili agad tayo. Ok ba yun?" nakangiting sagot sakin ni Mama habang ginugulo yung buhok ko.

"Pero Ma, kelan ba babalik si Papa?"

"Pag ayos na ang lahat anak."

Pagkalipas ng isang linggo, dumating si Papa at pinasyal kami sa Mall.

"James anak, diba kinukulit mo si Mama na bilhan ka ng laruang airplane?" tanong sakin ni Papa

"Opo Pa, bibilhan niyo daw ako pagbalik niyo."

"Tama, kaya ano pang inaantay mo, sakay ka na sa likod ni Papa at bibili tayo ng Airplane!!!" sabay buhat niya sakin.

Gabi na ng nakauwi sa kami sa bahay. Tuwang-tuwa ako dahil natupad na din yung pangarap ko.

"Ma, Pa maraming salamat po." sabi ko habang pareho silang hinahalikan

"Walang anuman James, goodboy ka naman eh. O sige na, akyat ka na sa taas para magbihis tapos dito natin i-assemble ang airplane mo."

Agad akong sumunod sa utos ni Mama. Umakyat ako at nagbihis, may sarili pala akong kwarto habang magkasama si Mama at Papa sa kabilang kwarto.

Habang pababa ako, narinig ko yung paguusap nila...

"Joshua, Ok na ba ang lahat? Lagi kang hinahanap sakin ni James... Sana naman ngayon di ka na aalis."

"Ok na ang lahat. Hindi na ako aalis para sa inyo ni James. Pero kailangan ko pa ding suportahan si Adrian." pagkatapos nun, naputol na ang usapan nila dahil nakita ako ni Papa sa hagdanan.

"O James! Andyan ka na pala, halika na dito ng makapaglaro na tayo ng Airplane mo."

"Anak, alas-diyes na pala... Oras na para matuloy. saway sakin ni Papa, si Mama naman kanina pa pumasok sa loob, nasa bakuran kami ngayon ni Papa. May maliit kasi kaming bakuran pagkalabas ng pinto namin saka pa yung gate.

"Pa, saglit na lang po. Please??"

"Hmmm, ikaw talaga. Sige basta pagkatapos mo umakyat ka na ah? And Please Close The Door Ok?" bilin sakin ni Papa at pumasok na siya. Pagkalipas ng ilang minuto nakaramdam na din ako ng antok at umakyat na ako sa kwarto.

"AAAAAAAAAAHHHHHH!!!!" nagising ako sa malakas na tili ni Mama. Anong nangyayari? Agad akong lumabas ng kwarto at narinig kong bumukas yung pinto, pero hindi na ito sumara. Bumaba ako at nagulat sa aking nakita. Nagsimulang manginig ang buo kong katawan at di ko napigilan ang pag-iyak.

Si Mama at si Papa.. nakahiga sa sahig at nakatitig sa kisame, punong-puno ng dugo ang katawan nila.

"And Please Close The Door Ok?"

"And Please Close The Door Ok?"

"And Please Close The Door Ok?"

Naalala ko bigla ang bilin sakin ni Papa... Hindi ko iyon nasunod. Kung sarado ko kaya ang pinto mangyayari ba to? Malamang hindi. Ngayon wala na sila at dahil kasalan ko ito.

My Mom and Dad died because...

I FORGOT TO CLOSE THE DOOR...

Sorry kung natagalan i-post ang Prologue.. Please Vote and Leave a Comment Hope to get your full support on this tulad ng pagsuporta niyo sa mga past stories ko. Thank you guys

Please Close The Door...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon