Chapter 5

1.5K 18 1
                                    

Daniel's POV

"Daniel at Ana, nga pala.. mag didi'dinner tayo kasama yung family ng friend ng dad niyo nung highschool mamaya. Kaya magbhis na kayo." - mom

"Sino po na dating friend ni Dad, ma?" tanong ni Ana. Hmmp, tsismosa talaga. Ano bang pake niya?

"Di ko alam anak eh, basta lawyer daw" sagot ni mom.

****

Pagdating sa Resto, agad umorder si Dad.

Biglang may dumating, tumayo si Dad para salubungin yung dumating.

"Ayan na pala sila!" sabi ni Mom.

Pagtingin ko, nakita ko ang captain ball namin.. si Kuya Martin.. WAIT

Andito si Kuya Martin?

So, meaning....

Nandito rin si....

"Stacie Bernardo, bunso ko."pagpapakilala ni Tito John sa dad ko.

O.O ---->   Me

O.O -------> Stacie

Nagkatinginan kami, di ko ini'expect na father niya pala ung friend ng Dad ko. Di lang naman ako nakapaghanda. Tssss.

"Oh Daniel!" sabi ng Kuya ni Stacie habang pinalo ang balikat ko.

"Ay hello captain" sabay saludo.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Dad habang naka tingin sa aming dalawa.

"Ahh, yes Tito.. schoolmate po kami eh at magkasama sa basketball." pagpapaliwanag ni Kuya MArtin.

"Ahh, good." sabi ni Dad. "So, kumain na tayong lahat." yaya niya.

Naka'skirt si Stacie at ang blouse niya ay naka tuck in sa skirt niya. Napaka'formal niyang tingnan, samantalang ako, naka t-shirt at shorts lang. Hahahaha.

"Oh anak, freshmen pala sa school niyo ang bunso ng Tito John mo." sabi ni Mom.

"Oh, yes ma." sagot ko at bigla akong tumingin kay Stacie, naka tingin rin siya saken at mukhang naiilang.

"Bantayan mo si Stacie doon, tutal malalapit lang rooms niyo." sabi ni Dad.

"Ah tito, hindi na po kailangan. Wala naman pong mangyayari saken sa school na masama eh. Baka makadistorbo pa po kay Kuya Daniel" biglang sabi ni Stacie.

"Hindi, okay lang. Wala naman yung problema saken eh." sagot ko sa kanya.

Teka, ba't ko ba yun nasabi? Aissshh  ---__---

"Ahem..ahem.." biglang ubo ni Kuya Martin.

Nag-blush si Stacie. At tumawa na lang ang parents namin. 

Pagkatapos ng ilang mga kwentuhan, lumabas muna ako para magpa'hangin.

Medyo madalim dito sa labas, muntik na nga akong madulas dahil di ko nakita na may malaking bato pala. 

"Tssss, bakit ba walang ilaw dito? Restaurant na restaurant, walang ilaw? Di ako magtataka kung may madadapa talaga mamaya." habang lumalaakad.

Then, biglang nag'open ang door.. may lumabas ata na babae..

"Talaga? Haha! Ano ba yan. Sige, kwento mo bukas ha?" sabi ng babae.

Mukhang pamilyar ang boses ah, sino kaya 'to?

Papasok na sana ako ng biglang..

"Aaaaaa!!!"

Biglang nag'on ang lights. 

Pagtingin ko, nakapatong sa akin si Stacie. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Nag'kiss ba kami?

"OMG! I'm really sorry Kuya Daniel. Sobrang dilim kasi eh, di ko nakita na may bato pala kaya natumba ako." sabi ni Stacie habang tumatayo.

"Ah, ok lang. Kasalanan naman talaga nila na naka'patay ang ilaw. Akalain mo, nung may nadisgrasya na, doon pa umilaw. Kakaiba talaga tong resto na to ah." sabi ko sa kanya.

"Hahaha, oo nga po." habang naka ngiti siya.

"Halika, pasok na tayo. Baka makagat pa tayo ng lamok dito eh.."

"Magka'dengue pa tayo." dugtong niya.

"Tama." habang lumalakad papasok ng pintuan.

"Oh, andyan na pala kayo Daniel at Stacie, saan ba kayo nanggaling? tanong ni Mom.

"Nagpahangin lang po sandali ma" habang umupo sa tabi niya.

"Aalis na ang Tito John mo at ang family nila, magpaalam ka na"

Kanino ako magpapa'alam? 

"Bye Stacie, mag-iingat ka." biglang lumabas sa bibig ko.

Nagkatinginan ang parents namin at napa smile.

Bakit ko yun nasabi? Lord, bakit!? Help me!

Napa-blush si Stacie.

BAkit lage na lang siyang nagbu'blush? Di niya ba matago ang kilig niya? Alam ko namang gwapo ako eh kaya kinikilig siya. Conceited? Hahaha, totoo naman eh. Kaya nga ako hinahabol-habol ng mga babae sa school. Oh, diba?

Di na siya nag salita at umuwi na rin ang family niya. 

Bakit ba ang saya ko? Dahil ba sa nangyari kanina? Ano ba tong nangyayari saken, naiin-love na kaya ako? 

******

Boy meets Girl (a teen love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon