The Brainless Beauty

777 22 45
                                    

Sa pag ibig, kailangang timbangin ang dalawang pinaka-importanteng parte ng iyong katawan: ang iyong isip at puso.

Pag si utak lang ang iyong pinairal baka magsisi ka lang sa huli dahil hindi mo talaga siya mahal diba?

Pag si puso lang din ang pinagdesisyon mo baka ma-heartbroken ka lang din dahil hindi ka muna nag isip bago nag decide kung siya na nga ba talaga -______-"

--------------------

Para lang iyang shopping... halimbawa bibili ka ng bagong cellphone kasi uso pero may cellphone ka namang gumagana

Ikaw: Ang ganda talaga ng cellphone na iyan! Bibilhin ko ba o hindi?

Puso: Siyempre! Gusto mo diba? Go na at baka maunahan ka pa ng iba!

Utak: Naku! Huwag ka munang bibili! May cellphone ka pang pwedeng magamit eh. Matuto ka munang maghintay na hindi na iyan pwede sa iyo.

Puso: Pano ka sasaya niyan kung di mo makukuha gusto mo?

Utak: Wag ka lang go ng go! Kahit pa minsan minsan matuto ka namang magpigil ng damdamin. Sa lahat ng bahagi ng katawan ikaw kaya ang pinakamadaling masaktan ng lubusan.

Puso: Ang ganda kasing tignan. >:/

Utak: Wag lang pagbasehan sa panlabas na anyo. Magagamit mo pa rin naman ang cp mo kaya useless lang kung maghahanap ka ng panibago.

Ikaw: Tama na! Naguguluhan na po ako sa inyo!

Puso: Mabuti pang bumili ka na lang ng ice cream!

Utak: Tama! Kasi instead na masayang sa cellphone, mas ok pa ako sa ice cream dahil mabubusog ka pa ^_______^

Ikaw: Sabagay magkasundo naman kayo kaya sige, approve ako sa ideya nyo.

--------------------

Ewan ko lang ba't ganyan ang naging halimbawa ko :)

Pero nakita niyo naman diba na sasaya ka kung balanced ang desisyon ni utak at ni puso...

Kaya mga kaibigan, sisimulan na po natin ang kwento ni Ally (ang haba pa ng intro), isang babaeng kagaya nating lahat ay hinhintay ang taong magpapasaya sa kanya habangbuhay.

Ngunit may problema ang ating bida, puno nga siya ng pagmamahal sa puso...

MAHINA NAMAN SIYA PAG UTAK NA ANG PINAG-UUSAPAN... D:

The Brainless BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon