3: Selina.

12.4K 207 22
                                    

Ang daming nagtatanong, nasaan si Sena? Ito na sya. Hoho. This chapter is dedicated to her. Dear sorry, ang sabi ko idededic ko sayo ang special chapter ng BR kaso, NAKALIMUTAN KO!! I’m so sorryyyyy. Hehe. Anyways, thankyouu talaga sa pagababsa. Si Sena, tignan nyo sya. Nasa right side sa may multimedia. Ang gandaaaa.

 

Life isnt about what happens to you, its about how you react to what happened.

Chapter 3: Selina.

Sena's POV:

Nakatingin lang ako sa malayo habang pinagmamasdan ang dagat. Sa tuwing pumupunta talaga ako sa kwarto ni dad at makikita ang dagat mula sa bintana nya ay may naaalala ako. Naaalala ko sya.

"Selina, mabuti naman at nandito ka na.." Sabi ni dad saka umupo mula sa pagkakahiga, nagmamadali akong lumapit at agad na tinulungan sya.

Selina. Maria Selina Lee ang totoo kong pangalan, pero hindi iyon ang pinakilala ko sakanila, hindi 'yun dahil natatakot akong mahuli ng daddy ko.

Halos magtatatlong taon na din ang nakalipas simula ng umalis ako dito, umalis ako dahil hindi ko na kayang magpasakal pa sa daddy ko, oo nakakasakal sya.

Tumakas ako at iniwan ko sila ng kapatid ko, napadpad ako sa Baguio at dun ko nakilala si Gab. Nakakatuwang isipin na pareho kaming may tinatakasan, tapos buntis pa sya nun. Tumakas ako para makaiwas, pero noon 'yun, noong sarili ko pa lang ang iniisip ko.

"Dahan dahan po dad" Sabi ko habang inaalalayan sya.

"Nagkita na ba kayo ni Jethro?" Tanong nya. Tumango lang ako. Nalulungkot ako, nalulungkot ako dahil sa ugali ng daddy ko. May sakit na nga sya, business pa din ang inuuna nya.

Sino si Jethro? Sya ang lalakeng pakakasalan ko. Oo, magpapakasal na ako, anim na buwan na lang mula ngayon.

"Good. After ng kasal nyo pipirmahan ko na ang last will ko Selina, sainyo ni Sarah ko lang ipapamana ang lahat lahat"

Mana. Mana. Naalala ko bigla si Gabril, ipinakasal din kasi sya dahil sa mana, dahil sa business, pero mas maswerte sya 'di hamak kaysa sakin, dahil ang taong papakasalan nya pala ay ang taong matagal nya ng mahal.

Eh, ako? Pakakasalan ko ang isang taong hindi ko naman mahal. Ang hirap ng ganito, wala kang freedom sa pagpili ng lalakeng pakakasalan mo.

Hindi ko maiwasang maisip si Briel. Si Briel, mahal na mahal ko sya at sobrang pinapatay ako ng alaala nya. Hindi ko maiwasang isipin sya, kahit ano pang gawin ko, kahit saan pa ako magtago, sya pa din ang naiisip ko. Sya lang ang lalakeng minahal ko tapos kailangan ko pa syang isakripisyo para sa daddy ko.

"Huwag mo na ulit susubukang umalis Selina, dahil kapag tumakas ka ulit sinisigurado kong wala kang matatanggap kahit na katiting na barya." Sabi ni dad habang inaatake ng ubo.

His RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon