Chapter 3

1.7K 15 0
                                    

“Anong siya un?”tanong ni Nikki.

"Ha? Ah, wala.." pagsisinungaling ko. Ano ba to? Sasabihin ko kaya?

"Sa ilang years na nating mag bestfriend STACIE BERNARDO, alam ko kung may tinatago ka ba o wala. . kaya sabihin mo na nga!" pilit niya habang pinagpapalo niya ang kamay ko.

Wala na akong takas dito, kaya sasabihin ko na lang.

“Siya yung naka’bangga saken kanina habang papasok ng gate.” Paliwanag ko kay Niks.

Totoo nga na gwapo si Daniel Bernardo. Maswerte ang magiging girlfriend nya nito pag nangyari.

“Oh Stace! Bakit natahimik ka na diyan?”tanong saken ni Nikki.

“Ha? Wala. Tahimik lang...”pag depensa ko.

Pumunta kami sa canteen para mag lunch. Then biglang may lumapit sa amin na higher years na mga lalake.

“Hi, anong pangalan mo?” tanong ng isa.

“Ako po si Stacie at ito po ang friend ko na si Nikki”. Sagot ko sa kanila.

“Ahh, ganda niyo naman.” Sabi ng isa niyang kasama at umalis na sila.

Pumasok na kami ni sa canteen upang kumain.

*dinnggggggg*

“Nag bell na Stace, halikaka na”yaya saken ni Nikki.

“Cge, tara na.”mahina kong sambit.

-------

After ilang minutes, uwian na namin. Pinuntahan ko agad si Kuya sa basketball court.

“Kuya!” sigaw ko sa kanya habang naka-upo siya sa bleachers.

“Oh, stace!” sigaw nya saken at agad namang tumingin ang iba niya pang mga kasama na basketball players. “Anong problema?”

Nakita ko, isa rin doon sa mga naka-upo si Kuya Daniel Montes. Gwapo niya pa rin kahit puno ng pawis!

“Ha? Wala kuya. Itatanong ko lang sana kung sabay tayong uuwi nila Ate steph.”patuloy pa rin ang pagtitig ko kay Kuya Daniel.

“Kapatid mo Martin?”tanong ng isa niyang kasama. “Cute niya naman”.

“Oo, kapatid ko. Baby ko yan eh, diba Stace?”asar ni Kuya. “Oy, bakit mo tinititigan si Daniel? Crush mo siya Stacie ano?”malakas na sabi ni Kuya.

Tumawa yung iba pang mga basketball players sa sinabi ni Kuya, kasama na rito si Kuya Daniel. (ang cute!)

*nag-blush ako* di ko mapigilan. Si kuya talaga, pinapahiya ako. Aisshh.

“Mauna na kayo ni Stephanie, susunduin daw kayo ni Dad sabi niya saken. May basketball practice pa ako Stace eh.”paliwanag ni Kuya.

“Ahh, sige po Kuya. Bye.” Nagpaalam na ako kay Kuya. Tiningnan ko uli si Kuya Daniel, guess what! Nakatingin rin siya saken! Ang gwapo niya talaga!

“Oh Stace, saan ka ba nang’galing? Kanina pa kita hinahanap. Andito na si Dad.”sabi ni Ate Steph.

“Sorry Ate, pinuntahan ko pa kasi si Kuya sa court eh.”paliwanag ko.

“Don’t bother going near him Stacie, he will just nag you. All he cares about is fame.”sabi ni Ate.

“Ha? Hindi naman po siguro Ate”

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit si Ate kay Kuya, magkasundo naman sila minsan. Minsan nga lang. Siguro kasi naiinis siya kay Kuya dahil heartthrob siya ng school at pinagkakaguluhan, puro pag-aaral na lang an gang inaatupag niya. Tsk.

---------

Pumasok na kami sa car.

“Hi honey.” Tawag saken ni Dad. “How’s first day of school?”

“Hi Daddy, okay lang naman po. Masaya naman.” Kwento ko kay daddy.

“Balita ko may crush ka na raw.” Biglang sambit ni Daddy.

“What? Ha? Wala po Dad!”hirit ko. Sabay yuko.

“Hahahaha, I’m just joking. Bakit ang defensive mo ‘nak? I smell something fishy..”pag’aasar ni dad. Tumawa na lang si Ate at nag smile saken.

Pagdating sa bahay, I turned on my laptop and opened my skype.

“Sayang, hindi pa online si Niks.” Mahina kong sinabi. “Gagawa na lang muna ako ng homework namin.”

Habang nag reresearch ng magandang story, may biglang nag send ng request sa akin sa skype.

“MrDanielHandsome?”

Boy meets Girl (a teen love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon