[11] Dance Practice

628K 9.7K 1.7K
                                    

[11] DANCE PRACTICE

 

KAYE ANNE'S POV

"Bat ka nahihiya? One second kiss lang naman yun."

Halos tumalon na ang puso ko palabas ng katawan ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Naku naman! Bat ba ako napupunta lagi sa ganitong sitwasyon?

"H-Huwag mo na ngang ipaalala!" Bulyaw ko habang nakatalikod pa rin. Gusto ko na talagang lumakad palayo pero parang na-glue na yung mga paa ko sa sahig >.<

Narinig ko ang yabag ng paa niya palapit sa akin at bago ko pa malaman, nasa harapan ko na siya. "Eh bat ka pikon, hindi naman kita inaasar ah?"

"Pinapaalala mo pa kasi sa akin yun!" >/////<

Iniling niya ang ulo niya, "Ang ibig sabihin lang nyan, may epekto pa rin yun sayo, Kaye Anne," seryosong sabi niya. Hindi ko tuloy alam kung nang-aasar ba siya o ano. :/

"Are we recalling what happened ages ago?" Mataray pero naiilang kong tanong sa kanya.

"Hindi naman. Sino bang unang nag-open ng topic na yun?"

Napalabi nalang ako at nagroll eyes. "Tinanong ko lang naman kung saan ang Sitio Mapulang Lupa tapos kung ano nang sinasabi mo dyan!"

He groaned loudly, "Eh sa yun ang naalala ko tuwing binabanggit ang lugar na yun eh. May magagawa ka ba?"

Natigilan ako. Luh? Tinanim talaga niya sa alaala ang pangyayaring yun? >/////>

Ginulo ko ang sariling buhok sa sobrang frustration. "Argh! Wag na nga! Change topic!" Pumadyak pa ako sa sahig, "Ang Mama mo kasi... Wait, ano bang pangalan ng Mama mo?"

"Lorena."

"Ayun, sabi ni Tita Lorena na invited daw tayo sa party sa Sitio Mapulang Lupa."

"Na naman?"

"Oo, at required daw na pumunta tayo."

Nilagpasan niya ako at kinuha ang cookie jar dun sa loob ng kitchen cabinet. "Tara, laro tayo ng billiard."

"Ha? Anong sabi mo? Willard?" Nabingi yata ako.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Dart nalang."

Nang papanhik kami sa taas ni Nathan, kung ano-anong inaalok niya sa akin na laro; Billiard, Dart, Xbox, PSV, PSP, videogames at kung ano-ano pa. Eh wala naman akong alam sa inaalok niya kaya puro reject sa akin.

"Tara na nga lang sa office ni Papa," sabi niya at sinundan ko na siya papunta sa office daw ng Papa niya. Pagkapasok namin dun sa kwarto, una agad na bumungad sa paningin ko ang floor to ceiling window. Sosyaaaaaaal... May home library at desk pa na karaniwang nakikita sa isang office.

"Nathan, baka magalit ang Papa mo."

"Bat naman magagalit yun? Dito nga ako madalas tumatambay," sagot niya at umupo dun sa taas ng billiard table kaharap ang magandang scenery ng Sitio Maligaya.  Lumapit naman ako sa kanya. "Home office ito ni Papa pero may billiard at dartboard pa. Hindi ko alam kung nagtatrabaho ba siya kapag nandito o naglalaro eh."

"Madalas ba dito ang Papa mo?"

Iniling niya ang ulo niya, "Naka-base sila Papa sa Maynila kaya minsan lang magkatao dito sa bahay na ito. Pero kung mananalo si Papa sa election, malamang, dito na siya maglalagi. Kaya ayokong maging konsehal si Papa dahil wala nang makakatulong si Mama sa laboratory namin."

"Ano bang business niyo?" Sumandal ako sa billiard table. Medyo maliit ako kaya 'di ko kayang upuan yun. Ano ba yan! >.<

"May sariling lab sila Papa kung saan gumagawa sila ng gamot at vitamins ng tao." He paused and looked to me, "Anyway, gusto mo bang pumunta sa party? Kailan daw ba?"

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon