XXI. The Goodbye.

214K 3.3K 340
                                    

Nagising ako dahil sa yugyog sa balikat ko. "Anna, gising."Napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Mark. Oh good God, nakatulog ako sa cabin niya!

Umupo ako agad, medyo nahilo pa ako kaya inalalayan ako ni Mark. Dinilat ko ulit yung mata ko at napansin kong wala pa rin akong saplot. Napansin rin siguro ni Mark iyon kaya dinampot niya yung mga damit ko sa sahig at iniabot niya sa akin.

Tahimik ko namang sinuot yung damit ko, inabutan niya ako ng suklay after. Dumiretso ako sa banyo niya at tinitigan ko ang sarili ko.


"Malapit na ang katapusan nito, Anna. Magpakatatag ka." Silent tears fell from my eyes.

Naghilamos ako at nagtoothbrush. May sarili na akong toothbrush dito sa cabin ni Mark, sa araw-araw ba namang dito ako naglalagi. Sinuklayan ko yung buhok ko at tinalian. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas.


Nakaupo siya sa kama niya, nakatakip lang ng kumot yung kalahating bahagi ng katawan niya. Ang unfair, hindi ba dapat pangit ka sa umaga? Kasi wala kang hilamos, di ka pa nakakapag toothbrush, hindi ka pa nakakaligo at hindi ka pa nakakapag suklay? But damn, he looks hot.

I reminded myself kung ano yung mga dapat kong sabihin at kung ano yung mga dapat kong klaruhin.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama, sa harapan niya."Mark, we need to talk." I said, trying not to be distracted with his pecs and abs.

"Talk about what?" He said as he tried to sit up straight.

"We need to talk about last nigh---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil hinalikan niya ako bigla.


I can taste his morning breath pero hindi ko magawang ma turn-off, it just doesn't taste bad when its him. Kumabaga, walang patapon sa pagkatao niya. Tanggap ko siya kapag nakaayos siya, tanggap ko siya kahit bagong gising siya, tanggap ko siya kahit ano ang estado niya.


This is bad.


I pulled away and put my hands on his chest, keeping him away. "Mark naman! We need to talk!" Hindi niya ako pinansin at tumingin siya sa bedside table niya kung saan nakalagay ang digital clock niya.

"Anna, 7:13 AM na. I think you should go, mahuhuli tayo nito." Tumayo siya and he also made me stand up.

"B-but we really need to talk!" I said, desperately. Dahan-dahan na niya kasi akong tinutulak papuntang pinto.

"It can wait, Anna." I faced him and stood firm.

"But I can't!" This time he looked at me straight in the eye.

"We will talk about this some other time, okay?" Sasagot pa sana ako ng magsalita siya ulit. "I mean it, Anna. Some other time. Do you want us to get caught?" I shook my head and he sighed. "Good. Now, go."

Hindi ko namalayan ang mga nangyari at nalaman ko na lang na nasa labas ako ng cabin niya at pinagsarhan na niya ako ng pinto. Wow, nice going.

Pagpasok ko sa cabin namin ni Maggie, napansin kong tulog na siya at puro maleta na ang nasa sahig namin. Inimpake na niya siguro yung gamit niya pati na rin yung mga gamit ko. Kumuha ako ng damit at tuwalya, dumiretso na ako agad ng banyo para maligo.


Last day na pala ngayon ng cruise. Uuwi na kaming lahat. Oh God, it only means one thing and I am more screwed than I already know. Patay ako sa parents ko!


"Anna, chill ka lang! Wag ka ngang malikot, pumirmi ka nga dito sa tabi ko!" Sita sa aki ni Maggie. Kinakabahan na kasi ako, baka may inutusan sila Mama na sunduin ako or worse, baka ang parents ko ang sumundo sa akin.

"Kinakabahan na kasi ako sa mangyayari mamaya sa pagbaba natin sa barkong ito." I sighed.

"Think positive! Lalo kang mamalasin sa parents mo kung ganyan ka mag-isip." Hindi ko naisapuso yung sinabi niya dahil napunta sa isang couple yung atensyon ko.

"What you're asking is impossible. Lalo na't napaka ganda ng view." Tumingin si Maggie sa couple na tinitignan ko.

Oh, God. I feel you, Riri. She groaned. "Pero parang mas feel ko ng manakal ngayon. Promise." She said as we watch Mark and Ms Val publicly displaying of their affection to each other. They're professors! Hindi sila dapat ganyan umarte sa harapan ng mga estudyante nila!


Hypocrite much, Riri?


Nagsalita nga naman ang kabit ng professor. Wow. Ako pa talaga ang may big speech about morals. 

"Sa nakikita ko ngayon, mas feel ko pang mabugbog ng parents ko." I said as I put on my aviators.

"Aww... Just close your eyes, Riri." She chuckled.


And true enough, bugbog nga ako ng parents ko at kahit first time kong nabugbog... Pakiramdam ko hindi.


"At kailan mo pa natutunang sumuway sa utos at magsinungaling, ha?!" I swear, Mama was fuming. At hindi ko na rin mabilang ang sampal at suntok na natanggap ko.

Hindi na lang ako sumagot dahil lalo pang lumala ang maranasan ko sa galit ng parents ko.

"Siguro naimpluwensyahan ka na naman ng best friend mo no! Yang Maggie talaga na 'yan! Walang maidudulot na maganda sa'yo!" Sabi ni Mama habang dinuduro ako.

Hindi na ako nakatiis na hindi sumagot dahil wala namang kasalanan si Maggie. "Hindi po bad influence sakin si Maggie, wala po siyang kinalaman sa pagsuway ko sa inyo!" Nasampal na naman ako. Ano pa bang inaasahan ko? Yayakapin nila ako pagkatapos kong sumagot? 

"Nakuha mo pang sumagot?! Napakawalang hiya mong bata ka! Wala kang utang na loob!" Hindi ko maintindihan pero lalong lumakas yung urge ko para sumagot.

"Siguro kung hindi kayo ganito kahigpit sa akin, hindi ko kayo susuwayin! Kung makapaghigpit kayo, parang hindi na ako college!" At hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

Sinampal ako ni Papa, at sa sobrang lakas ay natumba ako at nauntog ako sa center table. Wala man lang sumaklolo sa akin. Anong klaseng mga magulang kayo?

"Wala ka talagang utang na loob, bata ka!" Sigaw ni Papa."Simula ngayon, bawal kang manuod ng tv, magtext, magcomputer, at lumabas ng kwarto mo hanggat di kinakailangan! At kapag papasok ka sa school mo, hindi ka pupunta kung saan-saan ng hindi mo kasama si Lydia!" Wow, pang grade school talaga ang treatment sa akin.

May chaperon na nga, grounded pa. 


Pero hindi iyon ang nakakapagpabagabag ng isipan ko. Hindi ko alam kung bakit pero may bigla akong naalala, dahil ata iyon sa pagkakabangga ng ulo ko sa center table.

Wala naman akong makitang mukha, masyadong blurry. Pero maliwanag ang mga boses na naririnig ko. May babae... may dala siyang maleta at may nakasunod sa kanya na humahabol sa kanya... pinipigilan siyang umalis. Ang nakakapagtaka sa eksena na ito ay... ako yung babaeng may dalang maleta at papaalis. Pamilyar yung boses ng babaeng humahabol sa akin at yung isang babae naman na tinutukoy nilang 'Mama'. Hindi, imposibleng ako ito. Dahil iisa lang naman ang nanay ko at magkaiba sila ng boses! Pero bakit ganito? Bakit pamilyar ang boses na iyon?

May boses rin ng lalaki, buo at galit siya. Si Papa. Pinipigilan niya akong umalis at halata na hindi niya ako gusto. Bakit ganito ang nakikita ko? Bakit 'pag-aaway' naming mag-ama ang nakikita ko? At mukhang nauwi nga siya sa paglalayas ko.


Totoo ba itong nasa isip ko? Baka mamaya, dala lang ito ng imahinasyon ko...


Inisip ko ulit lahat ng naalala ko... Oh my God. No way...


Tinawag nila akong... Mars.

Napansinghap ako bigla ng maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko. Its pounding and it feels like it will explode any minute."A-ang s-sakit... ng ulo ko..." And everything went black.



Nagising ako dahil sa boses ng isang babae na nagsasalita, garalgal ang boses niya at halatang umiiyak. Si Maggie.Tinignan ko ang paligid ko, white walls, flowers, couches, television set and that 'sterilized smell'. Nasa ospital ata ako.

"Pahingi ako... ng tubig." Medyo masakit yung lalamunan ko, mukhang hindi ko ata nagamit ang bibig ko sa pagsasalita ng matagal?

"Bestfriend?!" Napatayo siya bigla. "OMG! Gising ka na!"Bigla niya akong niyakap at bigla din siyang bumitaw. "Wait! You want water, right?" Dahan-dahan akong tumango.


Sinubukan kong maaalala yung mga nangyari. Ang naaalala ko lang ay grounded ako, balik sa eksena si Ate Lydia at na baka ako nga si Mars.

Tinulungan ako ni Maggie na makaupo at siya na rin ang nagpainom sa akin ng tubig na hiningi ko. "Thank you, Mags." I smiled at her. "Ilang araw na nga pala akong nandito?" Tanong ko pagkatapos kong makapa yung ulo ko na may benda.

"Three days lang naman. Grabe! Pinag-alala mo ako ng sobra!" Halata sa mga mata niya na nag-alala talaga siya."Now, tell me what happened! Hindi ako naniniwala sa version ng kwento ng parents mo." Natawa naman ako sa kanya.



Magkukwento na sana ako ng biglang may pumasok sa pinto ng kwarto ko. "Gising ka na!" Tumakbo siya papalapit ng kama ko.

Narinig ko lang ang boses niya... Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Biglang tumayo si Maggie at hinawakan ang kamay ko."Lalabas muna ako at ako ang magbabantay sa labas at baka mahuli kami ng parents mo." Magbabantay sa labas? Ibig sabihin hindi sila pinayagan nila Mama na dalawin ako at sinamantala lang nila na wala ang parents ko?

Pagkalabas ni Maggie ay umupo si Mark sa kama ko. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha ko, hinalikan niya yung noo ko, ilong ko at ang labi ko.

"Anong ginawa nila sa'yo? Bakit nila ginawa to sa'yo?"Nangingilid ang luha niya habang hawak niya ang magkabilang pisngi ko at nakatitig sa mata ko. "Kung dahil sa akin kaya ginawa nila to sa'yo, tapusin na lang natin to."

Umiling ako. "No, Mark. Hindi ito dahil sa'yo. Dahil 'to sa pagtakas ko. Wala kang kinalaman dito." I assured him but he shook his head.

"Hindi, Anna. Parehas nating alam na isa sa mga dahilan ng pagsama mo sa cruise na iyon ay dahil nandun ako." Hindi ako nakasagot.

Sa lahat ng oras... Bakit ngayon niya pa naisipang tapusin ang lahat sa amin?

"Please, don't cry." Hindi ko napansing umiiyak na pala ako."Para sa'yo rin naman 'to." Umiling ako.

Naalala ko yung huling gabi ng cruise. Tama ang hinala ko! Huli na nga iyon! Iiwan na nga niya talaga ako dahil sinabi kong mahal ko siya!

"No, Mark! Please don't!" I cried harder. "I love you!" I said, desperately Hoping he felt the same.

He tensed. Oh my God... He didn't love me. He really don't.

"Umalis ka na lang please." I said, admitting rejection.

"Anna---" I shook my head and pointed the door.

"Just leave me alone!!!" I shouted.


Hindi ko na namalayan ang nangyari ng umalis si Mark. Napansin ko na lang na may nagsiakbuhang nurse sa loob ng kwarto ko at may itinurok sa IV ko. Nakaramdam ako ng panghihina.


Pumasok ang parents ko kasama ang isang mukhang doktor. Lumapit sila sa akin at narinig kong sinabi ni Papa ko.

"Turukan mo siya ng pampalimot. I'm afraid her memories are coming back." Tumango yung doctor at lumapit siya sa IV ko at may itinurok ulit.

Hindi ako nakapalag sa sobrang panghihina at dahan-dahan akong nakatulog.

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon