XI. Not-So-Special Treatment.

217K 3.6K 294
                                    

"Who can define Measure of Central Tendency? Without looking in your book." Tataas sana ako ng kamay, bigla namang sabing walang tingin sa book! Mahina pa naman ako sa pagme-memorize ng kung ano-ano. Panong mahina? Mabagal makapag-memorize at kapag name-memorize ko na madali ko namang nakakalimutan! 


Walang nagtaas ng kamay kaya... "Walang magvo-volunteer?" Tahimik yung klase. "Okay, magtatawag ako."


Nagtataka siguro kayo kung bakit tahimik ang klase di tulad kahapon na ang ingay-ingay nila? Paano kasi, si Mark---I mean si Sir Mark---dapat na talaga akong masanay na tinatawag siyang Sir--nag-iba yung aura niya today. Kahapon parang ka-buddy-buddy lang siya ng mga kaklase ko ngayon eh para siyang matandang professor na masungit at sobrang strikto!


"How about, Miss Ordoñez?" Napatingin ako bigla sa kanya.

"Ikaw na naman?!" Maggie hissed. Yep, pumasok na siya. Akala ko pag pumasok siya mababawasan ng kaunti ang tension pero mas lumalala. Grabe din kasi tong si Maggie, binabara si Ma--Sir Mark every chance she get. Kaya rin siguro nag-iba yung aura niya kasi pagpasok niya naman kanina, all-smiles siya sa lahat. Pero simula nung binabara-bara siya ni Maggie, nag-umpisa ng magsalubong yung kilay niya. Kahit ako, napipikon na ako sa ginagawa ni Maggie, hindi ko alam kung bakit pero nakakapikon na siya. Wala naman ng ginagawa sa akin si Mar---Sir Mark, ni tingin hindi niya ako matapunan! Sobra-sobrang paglayo nga ang ginagawa niya, hindi nga siya gumagawi sa pwesto namin eh tapos babarahin at babarahin siya?


"Got a problem with that, Maggie?" Tinignan siya ng masama ni Maggie.

"Actually, Sir. Yes, I got a problem with that! Kanina mo pa siya tinatawag eh!" Tumaas ang isang kilay ni Mar---UGH. ni Sir Mark.

"Okay, mayroon pala ditong ayaw magpasapaw ng spotlight! Then go, Maggie. Define Measures of Central Tendency without looking in your book!" Maggie folded her arms in front of her chest.

"Absent ako kahapon, Sir. Wala bang consideration?" She mocked him.

"Actually, wala. Hindi ko naman kasalanan na tamad kang magtanong sa mga kaklase mo kung ano ang assignments niyo." Naningkit yung mga mata ni Maggie.

"Well, wala ka ngang kasalanan sa pagiging tamad ko pero may kasalanan ka sa best friend ko!" Oh my God, being the reason of their argument is the last thing I needed! Why is she like this?!

"Okay. 5 ka na sa behavior, Maggie." She gasped.

"You can't do that!" He smirked.

"Yes, Maggie. I can, I'm still your professor and you disrespected me in front of your classmates." She collected her things and then she pulled my arm.

"Halika na, Riri! We don't need his crap!" I pulled my arm back and stared in front.

"Wag mo akong idamay sa kaartehan mo, Maggie. Ayokong bumagsak. If you want to go, then get out of here! I don't need you meddling with my problems!" I snapped. She deserved it, kanina pa siya. She's been acting so immature about this whole set-up.

"Fine." She said, teary-eyed. Then she walked out.



I breathed deeply. Bakit kailangang atakihin ka ng migraine mo habang pinag-iinitan ka ng professor mo? Not now, please!


"So, Miss Ordoñez. Can you now define Measures of Central Tendency?" I nodded.

"Uhm, Sir. Measures of Central Tendency is any single... uhm... value that is, uh, used to identify the... center or the typical value of a data set. Uhm, it is often referred as to the average."


Tinuloy niya naman yung discussion niya at nagtawag ng ibang estudyante, medyo nag li-low na siya at medyo ngumingiti na ulit siya. Effective nga rin siyang prof, magaling siyang magturo. Wag lang siyang napipikon kasi parang siya si Mama kapag nagagalit, sobrang nakakatakot! Ang pagkakaiba lang nila ni Mama, gwapo siya. Eto na naman ako! Ano na namang pinagsasabi ko! Sheesh.



Sinulit naman ni Sir Mark yung time, saktong 1oAM siya nagpalabas. Grabe, sagaran no? 3 hours ng Statistics.  Buti kinakaya pa ng utak ko at hindi pa bumibigay, what more kung bumalik pa yung mga alaalang nawala sakin? Hindi kaya mag shut down yung utak ko nun? 


"Miss Riri, ready na ba kayo? Wala po ba kayong naiwan o kung ano man?" And it hit me, naiwan ko yung stat book ko! 

"Oh shoot! Yung stat book ko, naiwan ko ata sa kung saan!" Huminto naman sa paglalakad si Ate Lydia.

"Ako na lang kukuha, MIss Riri, Saan mo ba naiwan?"Umiling ako.

"Hindi na! Ako na kukuha, ako ang nakaiwan!" Tumanggi siya.

"Mahigpit akong binilinan ng Mama niyo, hindi kita maaaring makawala sa mata ko, Miss Riri." Huminga ako ng malalim.

"Mama, doesn't need to know. Tsaka saglit lang naman yun, tatakbuhin ko lang din naman yun para mabilis na. Tapos ikaw, Ate Lydia, mauna ka na sa kotse para pagkatapos kong makuha, makaalis na agad tayo." Nag-isip pa siya ng mabuti.

"Hindi ito makakarating sa Mama mo?" Tumango ako.

"Promise! Cross my heart, hope to die!" Tinaas ko pa yung kanang kamay ko na tinawanan niya lang.

"Okay, sige. Pero bilisan mo, Miss Riri!" Nginitian ko lang siya at nag-umpisa na akong tumakbo papuntang THIRD FLOOR.



Wow. Ano bang pumasok sa isip ko at ako ang nagvolunteer na kumuha ng libro ko? Sinuswelduhan naman ni Mama yung si Ate Lydia, hayyy. Sige na nga, kasalanan ko naman to at hindi ako nag-iisip!


Pagpasok ko sa classroom, nakita ko agad yung libro ko sa armrest ng upuan ko kanina. Kinuha ko agad pero nagdecide akong magpahinga na lang muna, ayoko namang hikain no.


"Sh--t---Andito ka pa pala, Miss ordoñez?" Napatalon ako sa gulat ng magsalita at sumulpot sa pintuan si Sir Mark.

"May naiwan lang ako, Mar--Sir Mark." He chuckled.

"Okay lang na tawagin mo akong Mark, alam kong nahihirapan ka sa set-up na to. Sikapin mo na lang akong tawaging SIr kapag nasa klase tayo." Tumango ako."Anyway, may kukunin lang din ako na naiwan ko ata dyan sa teacher's table." Napalingon sa kinauupuan kong teacher's table at may nakita akong... velvet box. Dinampot ko at humarap sa kanya. 

"Eto ba yun, Mark?" Lumapit siya pero ewan ko kung anong nangyari sa kanya at natalisod siya...

I gasped.

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon