OS #3

24.7K 634 27
                                    

IV.
Opposite

NAGLALAKAD ako papuntang garden dahil break namin. Hindi ko hilig kumain sa cafeteria, masyadong maraming tao at masyado ring maingay. Kahit pa piliin kong mag-earphones, naririnig ko pa rin sila.

Tanghaling-tapat kasi kaya walang mga nakakalat na estudyante, lahat puro nasa room lang nila, nasa cafeteria, o nasa kubo sa rooftop. Umupo na 'ko sa damuhan at pumikit para manamnam 'yong hangin, at 'yong katahimikan ng buong field.

So relaxing.

So peaceful.

"Yvonne!"

So epal.

Napalingon ako sa tumatawag sakin. At 'yan siya. Aking isinisiwalat, si Andrew! Ang dakilang epal!

"Hi, Yvonne!" Masayang bati niya habang hinihingal. Tanga kasi, tumakbo ba naman papunta dito.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Ano?" Ano nanamang kailangan nito?

"Wala lang. Gusto lang kitang makausap." Malumanay na sabi niya at inilabas ang matamis niyang ngiti na mas maliwanag pa sa sikat ng araw.

"Oh? Tapos? Kausap mo na 'ko. Ano pang kailangan mo?" Walang emosyong tanong ko.

Pabiro siyang sumimangot. "Ang lamig naman, Vonne. Nakasasakit ng damdamin." Sabay aktong nasasaktan.

Napabuntong-hininga 'ko at nilakasan ko talaga para makaramdam siya. "Ano nga? Sinasayang mo oras ko."

"Gusto ko lang naman marinig boses mo, saka makita 'yang mukha mong maganda." Malawak ang ngiting sabi niya.

Tumayo na 'ko at naglakad palayo. Para kasing uminit bigla ro'n. Ang hangin naman kanina.

Tinatawag niya 'ko pero 'di ako lumingon. Isa sa dahilan kung ba't iritang irita ko sa lalaking 'yon, hindi man lang tinatablan ng kahit anong pambabara at panlalamig ko.

* * *

Uwian na. Sabay-sabay kami uuwi no'ng mga kaibigan ko pero cleaners sila kaya hinihintay ko.

Habang hinihintay sila, tinanaw ko muna 'yong field mula dito sa palapag namin. Nagkalat 'yong mga estudyanteng naglalakad palabas ng gate, nagke-kwentuhan ng kung anong nangyari sa araw nila, hinihintay 'yong mga kaibigan nila, o nagsisitilian kasi nasulyapan nila 'yong mga crush nila.

Napangiti ako ng tipid sa mga lower years na kinikilig nang may nakita ko na nagpakunot ng noo ko at nagbura ng ngiti ko.

Si epal, may kausap na babae at mukhang ang saya-saya niya.

Isa pa sa mga nakakairita, napakarami niyang kaibigan na hindi naman kaibigan turing sakaniya. Hindi ko alam kung sadyang inosente lang siya, o hindi niya lang pinapansin na ina-awrahan na siya no'ng ibang babaeng kaibigan niya.

Hindi ko naman masabi sakaniya ng diretso dahil mukhang masaya siyang kausap sila.

Parang biglang 'di ako makahinga. Siguro dahil mainit lang.

Inalis ko na 'yong tingin ko sakanila. Sayang oras.

Saktong lumabas 'yong mga kaibigan ko na kaagad akong sinalubong ng akbay. "Tapos na kami. Tara na!"

Bago kami makalabas ng gate, tinanaw ko ulit sila. Na nag-uusap pa rin. Kusang pumunta 'yong kamay ko sa dibdib ko na siyang dahilan kung ba't nagtataka kong tiningnan ng mga kaibigan ko.

Marahan ko silang inilingan.

* * *

PAGPASOK na pagpasok ko pa lang ng room kinabukasan, may sumigaw na kaagad.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon