Chapter 30

186K 2.2K 189
                                    

Hindi ko pinansin ang mga nakatingin saakin, wala akong pakialam na pinagtitinginan nila ako dahil umiiyak ako.

Matapos kong lakadin ang mahabang daan papuntang gate, nakalabas din ako. Mas kumaunti ang mga tao, wala na ding mga nakatingin.

Pinagmasdan kong mabuti ang paligid. Sa hindi kalayuan, may isang park. Mga bata ang nandoon at iilan lang ang mga teenagers. Pumunta ako doon.

Umupo ako sa swing habang nakatingin sa kawalan.

Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko sinasagot ang mga tawag nya at mga texts nya nitong mga nakaraang araw. Hinintay ko pa talaga na magalit sya, I'm so stupid.

Ako pa ang may ganang magalit? Ako pa ang nagseselos, gayung ako nga, may ginagawa na sa likod nya. It's my fault!

Pinahiran ko ang tumulong luha sa mata ko. Ang bigat. Ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko, ginusto ko tong mangyari pero nang mangyari na, nagsisisi ako.

Ang sama ko. Ngayon ko lang narealize na ang sama ko na pala. Hindi ko na nga nagawang ipaintindi kay Max yung mga kasalanan ko, nagawa ko pang magselos at awayin sya. Hindi na nga ako nagsasabi ng totoo, pero ako eto, pinagdudahan sya.

All I want to do is to scream.

Max.. I sob as I remember his face.

"I guess we're too young for this.. do you not trust me? I thought that maybe you have your own battles you don't want me to be in and I tried not to meddle with it, but all I feel is you being too distant..."

"Max.." I called his name hindi ko na nagawang pigilan ang iyak ko, sinabi kong maghiwalay na kami pero ako ang umiiyak. It's just that.. mas masakit kapag sakanya nanggaling.

"Tell me when you wanna fix all of this.. I'll still be here." Nakita ko syang tumalikod at malungkot na lumayo.

"Ate. Ate." Nawala ako sa pagiisip ko ng may kumalabit saaking bata. He's cute and haa a deep dimple on his right cheek.

"Bakit?" I tried my best not to sob. I need to compose myself before going home.

"Eto po oh," Binigay nya saakin ang isang brown na panyo na may manipis na blue line sa gilid. Mukhang mamahalin ang panyo at malinis. "May nagpapabigay po." Sabi nya sabay ngiti.

"S-sino?" Tanong ko sa bata. Kasinglaki lang sya ni Justine. Hindi sya pulubi rito, probably naglalaro lang sa gilid gilid.

"Lalaki po sya. Tska sabi nya po, wag daw ikaw iiyak." Napangiti ako sa batang lalaki and somehow gumaan ang pakiramdam ko. At least someone still cares for you. Pero sino?

"Nasaan sya?" Tanong ko. Lumingon sya sa kabilang direksyon.

Kumamot sya ng ulo. "Bakit nawala yun?" Bulong nung bata sa sarili.

"Salamat dito," Sabi ko sa bata. Ngumiti lang ulit yung bata at naglaro na sa malayo.

Naglakad na ako. Pinilit kong ibahin ang iniisip ko.

Nang makasakay ako sa taxi, hinagilap ko agad ang bag ko. Nage-expect na may text galing kay Max, pero wala.

[Hey..] Nagtype ako. Dapat makipagayos na ako. Hindi ba? Ako naman ang may kasalanan. Hindi naman sya ang dapat manuyo. Huminga muna ako ng malalim bago ko isend yun kay Max.

Sa tatlong minuto, hinintay ko ang reply nya. Sobrang kinakabahan ako at nang makita kong nagappear ang name nya parang lumnudag ang puso ko, He replied! Kinabahan ako at naexcite bigla.

From Honey:

[Sino to?]

Sandali akong napatigil. Parang nawalan ako ng hininga. Teka, baka naman kasi iba yung nasendan ko? Chineck ko ulit kung kanino ko nai-send. Pero kay Max talaga eh. Nagtuloy tuloy na naman sa pagtagos ang luha ko.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon