Chapter 9 - Practice

936 11 1
                                    

3 araw na nakalipas matapos ang nangyari sa beach at hanggan ngayon hindi pa rin kami ayos ni Jeron.

Pumunta nako sa room at nakita ko si ara umiwas ako agad ng tingin at umupo sa tabi niya, "Ye, ok ka lang ba?" sabi ni ara nagulat ako sa tanong niya "Onaman arabeb bakit?" sabi ko sabay smile "Yung nawala ka kasi bigla nung gabi e" hay sabi na e mababanggit niya yon "Huwag mo ng isipin yon arabeb" nagfocus na kami don sa dinidiscuss.

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

"May I excuse miss galang and reyes for their general practice for the UAAP" sabi nung staff sa school.

"Yes pull out tayo ye! Tara na" tuwang tuwa si arabeb. Agad naman kaming nagpaalam sa prof namin tsaka pumunta sa locker para kunin yung damit sabay akyat na sa gym.

Pagkaakyat namin kami na lang pala hinihintay. "Sorry were late coach" sabay naming sinabi, pina warm up na kami ni coach at si ate abi ang lead.

"8,7,6,5,4,3,2,1" malakas kaming nagcocount. "Ok practice first your service" sabi ni coach.

PAK! puro yan ang maririnig mo, yung mga serve ko naman buti at laging pasok. Kahit may lungkot akong nararamdaman ngayon hindi ko na lang pinapansin dahil nagfofocus talaga sa UAAP.

30 minutes na rin kaming nagprapractice at infernes ang lakas ng katawan ko hindi pako nakakaramdam ng sakit, nagyaya muna si ate na maglaro ng dugtungan lines daw at nag G naman ang lahat.

"Turnin my cheeks for the sake of the show you" kanta ni ate Abi "You and I could be like" kanta naman ni ate Kim "Like a rose tenenenne with the" kanta naman ni Ate wensh "The power of your love" kanta naman ni Arabeb at nagtawanan kami "Love story, baby just say yes" sabi ko naman at nagpalakpakan dahil lahat kami ay nakasagot.

Ok back to the practice, nagpractice kami magreceive at maghabol ng bola. Mga 2 hours namin ginwa yon, 8:55 na at 9:30 pa ang tapos magtraining.

Sa natitirang oras ay pinagpahinga na lang kami at pinaayos na ng gamit tsaka pinauwi.

Paguwi ko sa bahay ay umakyat agad ako sa kwarto at chineck ang phone ko 2017 messages yung 10 ay galing kay Jeron napangiti ako ewan ko kung bakit.

"Mako sorry sa nangyari don sa beach sorry talaga at nasaktan kita at lalo na sorry dahil pinaiyak kita"-3 messages yan ang laman "Uhm sige para mas lalo mong ma feel ang pagsosorry ko pupuntahan kita personally"-5 messages "Text moko pag gusto mo sa bahay niyo or sa ibang lugar, I love you"-2 messages.

Bat ganon ang bilis ko siya patawarin? Ganon ba talaga pag mahal mo yung isang tao?

"Punta kana lang sa park malapit sa school" yan ang reply ko sa kanya agad naman siyang nagreply "Sige wait kita, i love you :*" nagbihis nako ng matino at pumunta sa park.

Pagpunta ko ay nandon na siya sinalubong niya ako agad ng isang mahigpit na yakap sabay kiss sa forehead. Grabe naman maka yakap hindi nako makahinga "Je-jeron hi-hindi ako makahinga" sabi ko at pinakawalan niya ako.

"Namiss kita mako, halika dito payakap ulit" hinila niya ko at niyakap ulit pero medyo maluwag na. "Ready kana ba para sa championsip niyo bukas?" sabi niya habang naka akbay at hinahaplos ang buhok ko "Onaman jeron ready nako buti nga at nagkabati na tayo kaya mas ginanahan ako" niyakap ko siya patagilid. "Papanourin kita mako, susuportahan kita" sabi niya sabay kiss sa forehead ko at ngumiti lang ako.

"Huwag kana ulit magseselos ha? Tandaan mo ikaw lang ang naglalaman nito" sabi ko sabay turo sa heart ko and it is beating tog-tog-tog. Niyakap ako ni jeron patalikod "Mika my baby, my wife ikaw lang din ang laman nito forever" sabi niya sabay pisil sa mukha ko kaya napa pout ako.

"Jeron uwi na tayo maaga pako papasok sa training bukas" nag nod siya at umuwi na kami.

10 minutes at nandito na kami sa bahay. "Asawa ko goodnight, i love you text text na lang or i'll call you" sabi niya sabay kiss sa forehead "Sige ingat sa pagdrive"

Started from the bottom (Mika Reyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon