Chapter 7 - Beach Party (2)

993 15 1
                                    

November 2 ng maging kami ni Jeron. Napakasaya ko nung araw na yon. Andito ako sa room magisa dahil nasa labas sila at nagiinuman maya maya pa ako susunod. Inopen ko ang facebook ko mayroong 10,000 friend request, 500 messages at 5,000 notifs ngayon na lang kasi ako nakapag open kaya ganon.

Mga 5 minutes at sumunod nako sa baba pero hindi ako umiinom kaya makikinig na lang ako sa kwentuhan.

"Jeron ayan na pala yung prinsesa mo" sabi ng isang team mate ni Jeron. Agad namang lumapit sa akin si Jeron at inakbayan ako ang bigat ng braso niya. "Uhm jeron paki tanggal nga ang bigat ng braso mo e" sabi ko habang inaalis ang braso niya.

Umupo na kami at nagkwentuhan, may isang lalaking lumapit sa grupo namin "Kiefer! Long time no see" sabi ni jeron. "Pwede bang maki join?" sabi nung kiefer at naki join nga siya tumabi siya katabi ko.

"Hi, ikaw ba yung Mika?" sabi niya habang inaabot ang kamay niya para makipag shake hands. Nakipag shake hands ako "Oo ako nga yon" sabay ngiti napapansin kung nakatitig siya sa akin. "Oy kiefer huwag mong titigan baka matunaw" sabi thomas sabay nagtawanan silang lahat.

"Ang cute mo pala sa personal" pinisil niya ang cheeks ko at ngumiti lang ako kay kiefer. Nagpatuloy tuloy siya sa sweetness niya at nakikita kung parang napipikon si Jeron.

"Mika may boyfriend ka ba?" tanong ni kiefer sabay kaming nagsalita ni Jeron ang sabi ko "Meron" siya naman "Wala" hala? Ano yun kakaligaw niya pa lang sa akin break agad? Napatingin na lang ako kay Jeron. "Una nako guys, matutulog nako pagod na kasi ako" sabi ni jeron sabay hagis ng bote.

Agad ko naman siyang sinundan, hinawakan ko yung kamay niya pero tinaboy niya ang soet at malambot na kamay ko? Hehe joke. Sinundan ko siya hanggang sa nakapunta na kami sa room namin. Nauna akong pumasok at padabog niyang sinarado ang pinto.

Umupo siya sa kama nila, lalambingin ko nga to sabi ko sa isip ko niyakap ko siya patalikod "Uyy Jeron? Galit kaba?" mahinahon kung sinabi agad naman niyang inalis yung pagkakayakap ko. "Mika nakikipaglandian ka sa harap ng boyfriend mo?" pagalit niyang sinabi hala ano ba tong sinasabi niya? Nasaktan ako don ha? Sinabihan niya akong nakikipaglandian? Hindi ko na lang dinamdam masyado.

"Anong nakikipaglandian? Siya lang naman yung lumalandi sa akin e" sabi ko "Tuwang tuwa ka naman? Ha?" nakatingin siyang masama sa akin. "Anong tuwang tuwa? Naiirita nga ako e, nagseselos ka no?" sinasabi ko yun habang tumatawa. "Anong nagseselos? Tumigil ka nga!" sabi niya pero parang naririnig ko siyan tumatawa. "Uy, galit kapa din?" sabi ko ng palambing" pero hindi niya ako sinagot at lumabas, padabog pa yung pagkasara niya ng pinto.

Started from the bottom (Mika Reyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon