Salamin (Poem)

Dedicated to
Lee__Miyaki
spinner.gif

Dedicated sayo Kim :)) Naalala ko pa kasi yung tinag mo ko nung tula mo na "Sa ilalim ng Payong" tas sabi mo mag dedicate ako sayo ng isang EMO na tula. Haha XD

Di talaga ako marunong gumawa ng mga ganito kaya pagpasensyahan mo ha?? :))


**

SALAMIN by forbiDDen30

 

 

Sa salamin ng kwarto ko, ako ay nakaharap.

Ngiting laging nasisilayan noon, ngayon ay hinahanap.

Hindi ko labis maisip kung paano ito naglaho.

Basta isang araw, sa paggising ko ... ako nala'y biglang nagbago.

 

Twing madaling araw, habang nilalabanan ang antok

Ako ay nakikipagtitigan sa salamin, na nasa isang madilim na sulok.

Maraming tanong sa sarili, mga sagot nama'y waring nasa kawalan.

Di mahagilap, ayaw magpahanap... bakit nga ba sa pag ibig ako'y laging napag iiwanan?

 

Muling hinarap ang salamin at sinubukang ngumiti...

Sa pagbabakasakaling, matakpan ang pait kahit konti.

Kasi ang sakit na aking nadarama ay hindi ko na kaya,

Na sa bawat patak nitong luha, puso ko'y lalong gustong lumaya.

 

Habang pinagmamasdan ang repleksyon ko, ako ay naging tuliro.

Hindi ko inaasahang sa lumipas na panahon, puso ko na nama'y bigo.

Tadtad ng saksak, puro nalang band aid ang nakatapak.

Wala bang handang tumabi sakin, at itago ako sa init ng kanyang mga pakpak?

 

Sinong mag aakalang, kahit pala sa pangalawang pagkakataon...

Sisirain akong muli ng pag asa sa puso ko na noon ko na dapat ibinaon?

Siguro nga'y mailap lang talaga sa akin ang pag ibig na hinihiling,

Ang pangarap na tuluyan ko na sanang inilibing.

 

Tumalikod ako mula sa salamin, nang may isang larawan

Na pumukaw sa aking pansin. Ito ay aking pinulot at inilawan.

 

AKO. Isang masayang ako, ang nawawalang ako.

 

Humarap ulit ako sa salamin at idinikit ito sa kanyang tabi.

Bakit nga ba, mga ngiti sa labi, ay di ko na mahabi?

Kung pwede lang akong mag ukit ng isang pakurbang linya sa aking mukha

Ginawa ko na, at isang pekeng ako ay kaya ko na sanang ilikha.

 

Subalit tama na. Hanggang dito nalang.

Ika nga sa mga nobela, ito na ang wakas.

Mukha mang pinipilit ko lang tumakas 

Pero ano pang magagawa... kung wala na talagang taglay na lakas?

 

Sa muling pagsikat ng araw bukas

Sinisigurado ko, nabura na lahat ng 'yong mga bakas.

Dahil sa pagbangon ko, wala ng luha sa aking mga mata.

Kasiyahan nalang at masisilayang muli ang ngiting hindi na lanta.

 

 

Patulog na sana, nang may mapansing isang sulat na sa salamin ay nakaipit.

Galing pala sa bestpren ko, na andyan palagi lalo na pag ako'y gipit.

 

 

Sa pagbukas ko... sa pagbasa ko sa nilalaman, akoy napaiyak.

Hindi ko man lang napansin, na sya ang sa akin, lagi ay nagpapagalak.

 

Ang nilalaman ng sulat?

Isang sikreto na aking ikatutuwang ipagkalat.

 

"Wag ka ng umiyak aking giliw...

Andito naman ako, para ikaw ay bigyang aliw.

 

Basta ang hiling lang sayo ay hayaan akong, puso mo'y itakas...

Sa kadilimang ngayon, ay iyong dinaranas."

 

 

** ** ** ** ** **

A/n: Matagal ko na tong nagawa kaso ngayon ko lang na ipost haha!!! XD wala laaaaangsss~~

 

Sa aking mga tagapagbasa,

Sana kayo ay di nagsasawa

Sa kababawan ng inyong binasa

Na sa isip ng isang baliw, ginawa. :))

Comments & Reviews (23)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended