Dedicated kay ChaoticLuna - ende kuh alam kung bakeyt gurl. pero ngeyown ko lang nabasa ang fanfic ng tbyd huhu! nabigyan ba kita dati ng copy nung chap23? churii kung ende,,, TT0TT
Salamat nga pala sa mga sponsors ko Rizza Marie Jornacion Saure (saulo ko name mo day ^0^v) at si Mae Olaza (mas saulo ko name mo day d^0^b)
Ch.38 - Guarding Your Life (part one)
***Red's POV
"May fracture sa kanang braso nya kaya naman kailangan nyang lagyan ng cast, may ilang bruises at cuts ang pinakamalala ay ang sa ulo ng pasyente" paliwanag ng doktor na tumitingin kay Samantha
Ipinakita nya sa amin ang X-Ray.
"Kinailangan nyang malagyan ng stitches sa ulo. Three stitches to be exact ang kinailangan sa kanya."
"Pero Doc, ano na po ang lagay nya?" tanong ko
"Ligtas na sya, hindi naman masyadong napuruhan ang ulo nya at mabuti nalang nabigyan mo kaagad sya ng first aid para tumigil ang pagdugo. Sa ngayon hihintayin nalang natin na magising ang pasyente. We'll run some tests para mas makasigurado"
"Gaano po nya katagal kailangan manatili dito sa ospital?" tanong ko
"One or two weeks maximum, depende rin sa magiging results ng isasagawa naming tests sa oras na magising na sya. By the way kailangan ko rin makausap ang guardian nya. Pwede mo ba silang papuntahin dito?"
"Out of country po ang mga magulang nya, ako lang po ang nagbabantay sa kanya. Im her fiance.."
"Oh I see.."
Pagkatapos kong kausapin ang doktor lumabas na ako sa opisina nya para puntahan si Samantha.
"Red ano daw sabi? Bakit hindi pa nagigising si Sammy?" isa sa mga kaibigan ni Samantha na hindi ko matandaan ang pangalan, yung maiksi ang buhok
"Oo nga! Ano daw? Comatose ba sya? Magigising pa ba sya?! Ano na?!" yung may dalawang buns sa ulo na parang si Chun Li ng Street Fighter
"Waaaaaaahh!! Sammy!! Hwag mo kaming iwaaaan!!" yung pinaka-isip bata sa kanila
Nilapitan ko si Samantha at hinawakan ang kamay nya. Nagbalik na yung kulay nya. Hindi na sya namumutla.
"Hwag kayong mag-alala, sabi ng doktor ligtas na daw si Samantha. Hindi rin masyadong napuruhan ang ulo nya kaya magigising sya, hintayin lang natin. Nagpapahinga lang si Samantha ngayon" paliwanag ko
I better call Lee. Lintek.
"Angelo" tawag ko sa kanya.
Nakaupo sya sa kama, hawak nya yung isang kamay ni Samantha. Nakatitig lang sya sa mukha ng kapatid nya. Hindi na sya umiiyak pero lungkot na lungkot sya. Sigurado in shock parin sya sa mga pangyayari. Nung isang araw lang nalunod sya sa pool ngayon naman naranasan nyang makita si Samantha na nag-aagaw buhay. Dalawang disgrasya, magkasunod na araw pa.
Ano kayang kamalasan ang dumapo sa amin?
"Kayong tatlo," sabi ko sa tatlong kaibigan ni Samantha "dito muna kayo lalabas lang ako saglit. Kayo na rin ang bahala kay Angelo"
Tumango naman sila.
Lumabas na ako ng private room ni Samantha. Kinuha ko ang cellphone ko. Kailangan ko tong ipaalam kay Lee. Hanggat maaari ayokong kausapin ang taong yon, hindi pa rin maganda ang turing namin sa isat isa.
Mula kami sa magkalaban na gang, sila pa yung humaharang sa amin noon para mahanap si Samantha. Ni wala silang kaalam alam noon na matagal ko nang nakita si Samantha sa pamamagitan ni Audrey. Sinakyan ko lang ang trip nila.
Bakit ko nga ba sinakyan ang kagaguhan ng JG at Lee na yon? Bakit ko inilihim kay TOP na matagal ko nang nakita si Samantha?
Tss! Isa pa rin akong gago eh.
[Yes?] sagot ni Lee sa kabilang linya
"Nasa ospital ako"
[The point?] gagong Lee talaga 'to -___- nababanas ako kausapin sya
"Naaksidente si Samantha"
[....] saglit syang natigilan
"Nasa Mindanao kami, Bukidnon."
[I'll be there]
*doo.doo.doo*
Bastos yon ah! Ch! Hindi man lang tinanong kung saang ospital.