Chapter 39
Kath's POV
Papunta ako ngayon sa bahay nila DJ. Nagyaya kasi akong mangaroling.
Oo, mangangaroling kami! Hahaha! Wala lang, naisipan ko lang tapos magsisimbang gabi kami pagkatapos.
Nagpahatid na lang ako sa driver namin. Nagpresenta si DJ na sunduin ako, pero nahiya naman ako. Ako na nga yung nagyaya eh.
Pumasok ako sa bahay nila. Nakita ko si DJ na nakaupo sa sofa at may kausap siya.
Si Zharm?
Nakakunot yung noo ni DJ. Hindi ko alam kung ano yung sinasabi sa kanya. Pero maya maya rin ay tumango siya. Ano kaya pinag-uusapan nila?
Lumapit ako sa kanila. Pagkakita sa akin ni DJ ay naglight-up yung mukha at mata niya.
Napangiti ako. At least napasaya ko siya.
"Hi Kit-kath! Halika na?" pagyayaya niya.
Tumango ako. "Sama ka, Zharm?"
Niyaya ko na rin si Zharm. Ayos lang yun, kesa naman kaming dalawa lang.
Hindi sumagot si Zharm. Napansin kong tumingin siya kay DJ.
"Ayos lang ba?" pagtatanong niya sa amin.
"Okay lang yun! Sama ka na!" pagpupumilit ko. "Diba DJ?"
"Ikaw bahala." tipid na sagot niya.
"Tandaan mo yung usapan natin. Promise yun." tinaas ni Zharm yung kanang kamay niya at pumayag na rin si DJ.
Mangangaroling kaming tatlo. Hahahaha.
Daniel's POV
Kasama namin si Zharm ngayon sa pangangaroling. Unexpected nga eh. Niyaya kasi ni Kath.
Ayos lang naman sa akin yun. Nag-sorry naman siya kanina.
Sabi niya sa akin, kalimutan ko na daw yung sinabi niya sa akin nung isang araw. Irerespeto niya daw ako at kung sino man yung nililigawan ko. Hindi na daw niya ipagpipilitan yung sarili niya sa akin at gusto niya raw maging friends ulit kami. Panghuli, hindi daw siya magiging sagabal.
Siyempre natuwa naman ako sa sinabi niya. Kaya ngayon, kasama namin siya at nag-eenjoy ng sobra.
Masaya siyang kasama at mukhang nagkakasundo naman sila ni Kath.
"May dala ba kayong mga payong? Uulan mamaya. Pasensya naman, pangit boses ko. Hahahaha!" sabi ni Zharm tapos nagtawanan kami.
Kanina pa kami ganito. Tawanan ng tawanan. Ako yung nag-gigitara tapos sila yung nakanta. Nasabay rin naman ako sa pagkanta nila.
Di ba madalas puro bata ang nangangaroling? Pero sa subdivision namin, ayos lang kahit ilang taon ka na. Matutuwa pa sila.
"Ayos lang yan, Zharm. Basta ba ikaw manlilibre mamaya eh." pagbibiro ko. Ayos na kami simula nung nag-sorry siya kanina.
"Puto bumbong tayo? Pagkatapos magsimba!" sabi niya.
Ganto rin kami dati. Nangangaroling kasama yung iba pa naming kalaro tapos kakain kami pagkatapos magsimba.
"Puto bumbong? Ano yun?" biglang singit ni Kath.
Nagulat naman kami. Hindi niya alam yun?
"Puto bumbong. Di mo alam yun Kit-kath?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Pakainin niyo ko! Gusto ko matikman!" sagot niya.
Nagkatinginan kami ni Zharm tapos napatawa kami ng sabay.
"Sige sige, dahil sayo Kit-kath, ako na manlilibre!" pagpepresenta ko. Para kay Kath.
"Yes! Safe na ko! Hahaha!" tuwang sabi ni Zharm tapos nagtawanan kami.
Kath's POV
Ang saya saya namin! Ang saya pala kasama ni Zharm. Nakakatuwa!
Nagsimba na kami. Pagod na kami pero masaya. Napalingon ako kay DJ.
Guess what?
Tulog ang unggoy.
Pagod siguro. Napakahyper kasi kanina.
Siniko ko siya. "Huy Daniel Padilla. Gising nga!"
Nakapikit pa rin siya pero parang naalimpungatan. "Hmmmm?"
"Nasa simbahan po tayo. Gising." tinapik tapik ko siya.
Idinilat niya na ang mga mata niya at saka nagkamot ng ulo. "Kanina pa ba ko tulog?"
"Ewan ko, manlilibre ka pa ah. Haha."
Pagkatapos namin magsimba, kumain na kami. Bumili siya nung puto--
Ewan. Basta puto chuchu. Inosente ako, di ko alam yun.
"Kain na, Kit-kath." binigay sa akin ni DJ yung pagkain na nakabalot sa dahon ng saging.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Daniel Padilla | as Daniel/DJ |
| Kathryn Bernardo | as Kath |