The Surrogate Girlfriend.

50.9K 948 178
                                    

Isang random na namang story na inspired sa binabasa kong book ngayon na 'Parang kayo pero hindi by Noringai'. Basahin nyo, makakarelate talaga kayo. Dedicated kay Patty, siya kasi ang may bigay sa akin ng librong ito. Salamat talaga Patty! Loveyou! :*

"He's not really mine. We're not really together. But for what it's worth, he is and will always be my sweetest "whatever"."

——————————————-x

Hiram.

Hingi.

Akin.

Tatlong iba't ibang salita. Tatlong iba't ibang salita na tanging mailalarawan ko sa kung ano ang nangyari sa atin. Ikaw. Ako. Siya. Kayo. Tayo.

Sinindihan ko ang huling yosi ko at muling humithit habang tumulala sa kawalan.

Siya si Lisa, isang matalinong estudyante. Graduate ng Nursing sa university na pinapasukan natin. Dean's lister siya mula noong first year pero pumalya lang noong huling taon niya sa kolehiyo. Ewan ko rin kung bakit. Nabaliw ata talaga sa pag-ibig. Bukod sa matalino siya at sobrang masipag na estudyante, wala na akong ibang alam tungkol sa kanya.

Siya si Nathan, ang proud boyfriend ni Lisa. Kaklase ko si Nathan sa ilang subjects, irregular kasi siya. Accounting ang course namin at halos gapangin ko na papasok ang university namin. Hindi ko naman kasi talaga choice 'tong course na 'to eh. Bumalik tayo sa topic, siya si Nathan, ang proud boyfriend ni Lisa. Palagi silang magkasama, palaging magkadikit. Tuwing free time ng isa, kakabit si isa. Tuwing walang klase si isa, hinihintay si isa.

Kaclose ko si Nathan habang si Lisa ay hindi naman gaano. Masyado kasing seryoso 'yung babaeng 'yon eh. Noong nagpaulan ata ng sense of humor si God, nandoon ata sa loob ng bahay-nag-aaral. Magka-vibes kami ni Nathan. Gago kami pareho eh. Pero iba talaga ang girlfriend niya, masyadong KJ. Minsan nga, nasa bar lahat kami na kabarkada ni Nathan habang ang girlfriend niya, nakaupo lang doon at umiinom ng juice habang may hawak na tablet-nagrereview pa ata. Kaya walang nagawa si Nathan noon kung hindi umuwi na lang. Palagi niyang pinagbibigyan si Lisa. Palaging si Lisa ang first priority niya.

Ayos na eh.

Ayos na sana.

Kaso nagbago lahat noong grumaduate kami.

Nagsimulang magreview si Lisa para sa board exam. Wala siyang time para kay Nathan kaya isang gabi, nagsimula ang lahat. Naiiyak ako sa tuwing naalala ko ang gabing iyon. Ang gabing tumawag sa akin si Nathan na iyak nang iyak. Ang gabing pumunta siya sa bahay habang amoy alak ang buong katawan.

Pinagmasdan ko ang yosi na hawak ko na ubos na pala. Hindi ko namalayan dahil sa pagkalunod ko sa mga pangyayari na sariwa pa sa utak ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at lumabas ng bahay upang bumili ng yosi.

Habang naglalakad, napatitig ako sa puwesto na iyon-ang nag-iisang poste na may ilaw. Sa puwesto na iyan, diyan kami nagkita ni Nathan ng gabing iyon. Lasing na lasing siya. Dinala ko siya sa loob ng bahay kahit na alam kong nandoon ang kapatid ko ngunit wala namang alam iyon kung hindi magpaka-caveman sa kwarto niya habang naglalaro ng DOTA. Ang nanay at tatay ko? Nasa ibang bansa.

Dinala ko noon si Nathan sa kwarto ko. Doon niya sinabi sa akin ang lahat. Na palagi daw niyang kaagaw ang studies at pangarap ni Lisa. Na palagi daw walang oras si Lisa sa kanya kahit isang text man lang, wala siyang makuha at mukhang wala na daw pakialam si Lisa sa kanya.

Unang beses ko siyang nakita umiyak kaya sobrang naantig ang puso ko. Lang'ya naman kasi, gago 'to eh tas iiyak lang dahil sa isang babae na wala na atang balak gawin sa buhay kung hindi mag-aral. Hindi ko gusto si Nathan. Wala akong nararamdaman sa kanya ngunit may kung anong kumuryente sa utak ko, may kung anong nagpatigil nang sandali sa pagtibok nang puso ko sa sinabi niya pagkatapos.

The Surrogate Girlfriend | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon