ILY-13

22.4K 439 38
                                    

"WARREEEEEEN!!!" sigaw ni Ella nang makita agad si kuya Warren na naghihintay sa may gate.

"Psh." sabi ko na lang. Nakakainis. Moment namin itong magkapatid eh! Ngayon lang kami lalabas ni kuya. Walang halong malisya ah? Pero gusto ko talaga mas  makilala pa si kuya ngayon.

Pero paano ko magagawa yun kung may sasama sa aming dalawa? >o<

Ang tanging natatandaan ko lang noong mga bata pa kami ay mahilig kami pumunta sa playground sa dati naming tinitirahan. Pinagtanggol din niya ako sa mga batang umaapi sakin noon. Kahit apat na taon ang pagitan naming dalawa ay mas pinipili pa din niyang samahan ako noon kaysa humanap ng mga kaibigan niya.

Sobra talaga yung iyak ko nang malaman ko na aalis na siya papuntang Canada kasi isasama na siya roon ni Auntie Elsa.

Ang huling alaala ko na lang noon sa kanya ay umiiyak din siyang nakaharap sa akin. Sobrang close kami noong bata pa kami..

Pero iba na ngayon..

Kaya kung maaari sana, sa amiin na lang muna ang araw na ito. </3

"Oh, Nath. Kamusta?"

"I'm fine! Ikaw Warren?"

"Okay naman." masayang sabi ni kuya sa kanya. Tahimik lang ako sa isang tabi. Mukhang hindi niya ako napapansin dahil nandito si Ella. -__-

"Balita ko may lakad kayong dalawa?" Hinawakan ni Ella yung backpack niya. Ewan ko ba, bakit ba siya yung pinaka cute sa lahat ng college students dito na nagba-backpack? (-_-)

""Yes. Lalabas kaming dalawa ni Sai ngayon. Sa labas na din kami mag dinner. Ito kasing kapatid ko namimiss na si mommy." Tumingin sakin si kuya Warren nang nakangiti. Tumingin lang ako sa kanya tapos umiwas ng tingin. Naiinis pa din ako. Wala ako sa mood kaya hindi ko magawang ngumiti. Nandito kasi si Ella..

Mabait naman siya...

Pero naiinis ako sa presence niya ngayon dahil sasama siya sa lakad namin na dapat kaming dalawa lang. (-__-)

"Talaga?! Mukhang masaya yan! Pwede bang sumama sa inyo, Warren? Please?" *u*

Sa mukha ni Ella ngayon mukhang hindi talaga siya matatanggihan ng kapatid ko!

Bakit ba kasi masyado siyang cute? Nagniningning pa yung mga mata niya. Imposible na hindi pumayag si kuya sa itsura nya. >o<

"Please, Warren? Okay lang naman kay Xyren eh. Kinausap ko na siya kanina." Nathalia Ella.

"Pumayag siya?" Nakita kong tumingin si kuya sa direksyon ko pero umiwas ako ng tingin.

Nalulungkot talaga ako...

Bakit ba kailangan kasing may umepal pa?

Hinawakan ni kuya Warren si Ella sa balikat.. >////<

Ay-el-way KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon