Season 2 | A |>> #OneChance

82.6K 798 29
                                    

A/N

Sa lahat ng nag patrend ng #JustinEnriqueAngBabesNgWATTPAD Thank you very much!!! Xx haha nag top 1 sya nationwide! at nag rank 9 siya worldwide. :D

#JastinAllTheWay!

~~

Season 2 | A |>> #OneChance

Jade's POV

"Buti hindi mo kasama si Ae ngayon?" mataray kong sabi kay Gabby. These past few days kasi, laging sila na lang ang naghahang out. Jeez! How I wish na bumalik na 'yang bakla na yan sa America hindi 'yung nakikisaw-saw siya sa love team namin!

"Kasi naman ateng, nandun siya sa salon ko. Waley naman siyang class today so nag volunteer na siyang mag manage muna doon,"

I just rolled my eyes and huff and puff. So ngayon siya na rin ang nag mamanage ng salon ng Gabby ko?

"Uy, si bakla, nagseselos," he cooed. Nag act ako na kunwari ay nagtatampo. Aba bakit ba, I liked him, hindi niya ba nakikita 'yun? Tapos kung kani-kanino pa siyang lalaking lumalandi tapos ngayon bakla naman ang trip niya? Please. Mas maganda naman ako sa kanila. Ano pa hahanapin mo kung nandito naman ako?

Niyakap niya ako mula sa likod at inilagay niya ang ulo niya sa may balikat ko.

OMG! Kinikilig ako!

God! Stop it Barbie! Ang harot harot ng baklang 'to!

Okay, Jade Montero, calm your t-its. Hingang malalim!

"Nagtatampo lang, ako ang best friend mo tapos parang nakakalimutan mo na ako," Syempre paawa effect with matching pout pa here and there. Hihi! Para naman harutin niya pa ako.

Nag duck face siya at kiniss ako sa cheeks. Gosh. Calm your t-its, Jade! Calm your t-its!

"'Wag na selos, please? Love ka ni Barbie! Bestie kita poreber!" Kiniss niya ulit ako. Seryoso? Pwede na bang mamatay? Kainis! Ang landi ng baklang 'to! Pero, gosh! Okay lang landiin niya lang ako all day!

" Look, si Ae ay parang kapatid ko na. He or She is like my lil' sister. Hindi niya pa alam ang mga protocol ng mga bakla dito sa pinas so, medyo may pagka weird pa siya but, trust me kahit na close kami ng baklang 'yun, ikaw pa din ang pinaka the best na bakla sa whole wide world!"

May pa hand gesture pa siyang nalalaman, haha! Binatukan ko nga.

"Sira, lika na nga nagugutom na ako,"

Nang nasa canteen-slash-resto na kami ng Brent, nilibre ako ni Gab ng lunch naming dalawa. Patapos na kami ng maki-upo sa amin si Justin.

D-amn. Not again.

"Hi,"

As always sa akin siya nakatingin at nakangiti. Ako naman ay sinubukang hindi siya pansinin at kay Gabby lang itinuon ang buong atensyon. Eto namang baklang 'to akala mo nag transform bilang Nile River ang bunganga kung makapagglaway sa babaerong nasa harapan ko.

"Pwede bang maki-upo?"

"Hin---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, sinipa ako ni Gabby sa baba ng lamesa.

"Aray!"

Bigla naman akong hinawakan sa balikat ni Justin, "Okay ka lang?"

Pabalang na sana akong sasagot sa kanya kaso lang nakatingin sa akin ng masama si Gabby. .Oh god, these things that I do for love. "Wa-wala. Nakagat lang ako ng langgam,"

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon