Dedication: One Shot Story

381 43 42
                                    

Dedicated to President_Kangkong. Sana magustuhan mo. =) 

________________


"Hoy! Sandali lang!"

Naglalakad ako ngayon pauwi, dala ang lahat ng gamit ko sa school. Ito na ata ang hu--- Putek? Ang sakit ng ulo ko, may bumato sakin ng kung ano. Woooh! Tae.

"Grabe! Sabi ko sayo kanina SANDALI LANG, ba't hindi mo 'ko hinintay? Tinamaan ka tuloy," Si Raven pala. Binato niya 'ko sa ulo . . . ng sapatos niya. 4th year highschool na din si Raven, kaso magkaiba kami ng section. Ngayon lang kami nagpansinan. Ano kayang kailangan niya? 

 "Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Woah! Kinausap mo ko? Ang cool ng boses mo. Haha!" 

Kailangan ko nang umuwi.

"Aish! Wait nga lang," Hinarangan niya 'ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. "Bakit ang dami mong dala? Ibebenta mo ba ang mga 'yan?" Ang daldal niya. Tsk. "Magsalita ka naman! Alam mo, napapansin kita sa school kahit lagi kang seryoso atsaka tahimik. Nakita na din kita minsan na lumiliban sa klase," Kinakausap niya 'ko sa gitna ng daan. Ayos. "Tara nga sa park!" Sinuot niya muna ang sapatos niya atsaka siya tumakbo.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinundan ko siya dito sa park kahit sobrang nabibigatan na 'ko sa mga gamit na dala ko. Umaakyat siya ngayon sa isang puno, ano nga bang gagawin ko dito?! "Aidan! Ibaba mo muna 'yang mga paninda mo sa damuhan," Sinunod ko naman siya. Teka, pa'no niya nalaman ang pangalan ko? "Umakyat ka na dito! 'Wag mong sabihing hindi mo kaya?" Napakamot nalang ako sa ulo; inakyat ko ang puno kung nasaan siya. Nang makarating ako sa kanya, sobrang lapit namin sa isa't isa . . . haaay . . . ang ganda niya pala . . .

"Oh? Nagagandahan ka sa'kin noh? Ayiiie! Hahaha! Nga pala, dahil nagawa mong makaakyat dito sa puno, simula ngayon ay magbestfriends na tayo. Anong masasabi mo?" Napangiti lang ako sa sinabi niya, kakaiba talaga siya. Taena ano bang nangyayari? "A-ang pangit mo! Paunahan makababa!" Pangit? 'Wag kayong maniwala sa kanya, gwapo ako. Haha.

Nakahiga na kami ngayon sa damuhan. Time check, 4:17 pm. "Haaay. Ang tahimik mo naman," Nagtanning-position siya. "Naririnig ko minsang naguusap ang mga kaklase kong babae tungkol sayo. Masungit ka daw, bakla ka ba?"

"Hindi." Sagot ko sa walang kwenta niyang tanong.

"Weh? Ayos lang sa'kin kahit bakla ka, ta---" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil ninakawan ko siya ng halik . . . sa pisngi, tsk. "Eeeew! Kadiri ka!" 

"Nagustuhan mo naman? Hahahahaha---" Binatukan niya 'ko. Galing.

Dedication ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon