Chapter 7

257 5 4
                                    

Sofia

"C-Cray?" - Unfamiliar voices.

Napatingin kami ni Emman sa mga taong sumigaw ng pangalan ni Cray. Well hindi siya sobrang lakas pero dahil nadin sa blending ng voices kaya namin narinig. Nanlaki yung mga mata ko ng makita ang cousins ni Mariko at 2 new persons. Dahil sa bigla napalingon ako kay Emman. Napalingon din ito sakin, ANG WAFUU!

"Uy! Pano sila nakapunta dito?" - Emman.

"Malamang nag bonding. Imposible namang agadagad silang susulpot sa mukha natin?" - Ako.

"May plano ako." - Emman.

Ayun, sinabi niya sakin ang plano ng pabulong. Susundan namin sina Mariko at Cray kapag silang dalawa nalang ang natitira. Ay! alam ko ang nasa isip niyo. Tinatanong niyo ko no kung bakit kami magkasama ni Babs? Babs yung tawag ko sa kanya, samantalang siya tawag niya sakin is Boo. Oh diba parang mag-dyowa lang?

Back to the explination. Ayun nga! Sabi niya bored daw siya, in real sinundo niya pa ako sa bahay. Alam niyo nabigla ako sa ginawa niya, kasi yung damit ko hindi ma-explain na ewan! Tapos sabi niya cute daw ako sa outfit na yun. Kung sana lang talaga ...

"Tayo na. Hinihila niya na si Mariko." - Emman.

"Babs pano tayo hindi makikilala?" - Ako.

"Simple lang bibili tayo ng damit." - Emman.

Nilabas niya ang credit card niya at hinila ang pulso ko papunta sa isang clothing store. Bumili lang naman siya ng jacket na parang kay Danielle Padilla sa G2B. Ako naman jacket din pero pink lang ang kulay (^_~)v. Kung titignan mo kami mukha kaming couple (^3^).

Lumabas kami sa shop, tapos hinanap nalang din namin sina Mariko & Cray. Ano kayang magandang love team name nila noh? Hmm ... Marey? Wanna? xD Hmm ... AH! CRIKO (^_~)v! Divah?! Bongga! Antalino mo talaga Sofia. Ikaw na! As in ikaw nah! Pwede ko nang sipain si tito boy pababa sa trono niya (^o^).

"Ayun sila boo!" - Emman.

"Tara sundan natin. Let's see kung hangang saan ang kayang tiisin ni Mariko." - Ako.

"Kakayanin niya lahat para kay Cray." - Emman.

OUCH (T_T)! Ako ang nasasaktan para sa kanya. Alam kong sobrang sakit ng sinabi niya para sa side niya. Mahal niya parin kasi si Mariko. Kaya nga hindi na ako umaasa na mamahalin niya din ako. (^_^) Haha! Oo masakit pero kaya ko naman haha! Pero minsan di ko kayang hindi umiyak dahil sa kayanya haha! Korni na noh?

Gusto kong umiyak pero ayaw kong umiyak sa harap niya. Ang alam kasi nila ni Mariko ay isa akong matapang na babae na hindi ako iiyak dahil sa sobrang babaw na dahilan. Pero alam niyo ba? Pinopush kami ni Mariko dahil sa alam ni Mariko na mahal ko si Emman. Noong 3rd year panga kami binigyan niya pa kami ng love team, pangalan Somman! Maypagka gaga din kasi minsan yun.

"Alam mo babs gago kadin minsan." - Ako. SOFIA! WTF! Anong kinain mo at lumabas yan sa bibig mo? Sige na nga panindigan mo nalang. Dapat niya na ding malaman na bawat pintig ng puso ko ay para sa kanya. OA noh? "Oo nga manhid ka din."

"Huh? Anong sinasabi mo?" - Emman.

"Yung Ka-katotohanan." - Ako. 

"May hindi kaba sinasabi sakin Boo?" - Emman.

Tuloy tuloy ang patak ng luha ko sa mata. Hindi ko na kayang itago pa sa kanya, since I will confess to him right now I will be true to myself. Ayaw ko nading magpangap na hindi ko siya gusto! Alam niyo bang sobrang sakit na may gustong iba yung taong mahal mo? Pero mas masakit na hindi mo man lang masabi sa kanya yung feelings mo dahil I choose our friendship than my feelings! Martyr nga ako. MARTYR! (T_T).

Prism Of Love - (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon