[ 44.2 ] Judge

78.3K 581 86
                                    

Now a published book under Life Is Beautiful Printing Corp. Tagalog. Now available in all bookstores nationwide! :)

Book 1 is 128 pages. :) P99.75 only!

Book 2 is 256 pages. P129.75 only.

Book 3 is 104 pages. P99.75 only.

Book 4 is 160 pages. P109.75 only.

Book 5 is 160 pages. P109.75 only.

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

Follow me on twitter and Instagram: @JeraldineTanL

COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp.

----------------------------------------

(Reposted again using the unedited version. Buy a copy of the book to read the edited version. The book version is different from the Wattpad version.)

Chapter 44.2: Zeke’s Birthday (part 2)

Jin's POV

Kami lang naiwan dito ni Zeke at kumain lang kami at nanood kami ng Kung Fu Panda. Time Check: 12 am at tapos na yung movie. At dahil kumain kami, nagkaroon ng mga hugasan at kalat. Naglinis kami at ako naghugas ng plates. Ang sipag ko! Hahaha! Hindi ko to ginagawa sa bahay. Nagsipasukan na din kami sa mga rooms naming pagkatapos. Syempre hiwalay kami ng room. Hindi kami pwede magsama sa room ano at madami din naman kasing kwarto sa bahay nila e. Nagtoothbrush at hilamos na ako at saka humiga na. In-on ko na din yung aircon at open lang yung lights. Ayoko ng nakapatay yung ilaw. Natatakot kasi talaga ako. Naaalala ko yung dun sa movie na pinapanuod nila kanina. Nakakatakot yung mukha >__<

"WAAAAAAAH!"

Nagtaklob ako bigla ng comforter at pumikit lang ako. Bigla kasing nagbrownout. Hala naman >__< waaah! Paano na ako? Natatakot ako baka mamaya may mumu dito. Nasaan na ba si Zeke? Ayoko magisa dito. Baka kasi tulog na yun ngayon e. 1 na yata? Baka mamaya may kumalabit na sakin na mumu. Ako lang din kasi magisa dito. Kuyaaaa! Hindi din ako makatext. Nakakatakot kasi magilaw kapag madilim dahil baka kung ano pa yun makita ko. Pipikit na lang talaga ako.

Biglang may naramdaman akong humawak sa braso ko. Imagination ko lang yun Jin. Wala naman na akong nararamdaman na mumu e. Waaaah! Hinawakan ako ulit. Iiyak na talaga ako :’( Natatakot na ako ng sobra dito e. Biglang tinanggal yung takip na comforter.

"Waaaaaah! Layuan mo ako!"

Umiiyak na ako. Natatakot na ko ng sobra. Nakapikit pa din ako ngayon. Bigla akong hinawakan sa shoulders para iupo. Pinagpapalo ko naman yung nasa tabi ko.

"Layuan mo akong multo ka!"

"HAHAHAHAHAHAHA! Charel! It’s me, Zeke"

Napadilat ako tapos pinagpapalo siya. Pinunasan ko na din yung luha ko. Natakot kasi talaga ako e. Sobrang matatakutin ako sa multo. Sobrang lawak pa naman ng imagination ko.

Game of Love [ PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon