Third Person POV

“Sandali po, san tayo pupunta?” tanong ng tatay ni Mia pero hindi siya sinagot nung driver.

Bigla nang kinabahan ang nanay ni Mia kaya niyakap niya ng buong higpit si baby Mimo.

“Huwag kang mag-alala…” sabi ng asawa niya sabay hawak sa kamay niya. “”Nandito ako, hindi ko kayo pababayaan.”

Hindi na bago sa kanila ang bayan ng Tama kaya naman mabilis nilang nalaman kung saan sila dadalhin ng sasakyan.

Doon yon sa Vilage III, sa dati nilang bahay.

Nakita nila sa may pintuan si Yuki.

“Kanina pa nila kayo hinihintay, pumasok na kayo…”

“Teka, naguguluhan po ako…” sabi ni tatay. 

“Labag to sa batas ng Yamato, pero para sa mga kapatid ko… handa kong gawin to…”

“Ano?” gulat na reaksyon nina nanay at tatay.

“Simula ngayon pwede na uli kayong tumira dito, gaya ng dati.”

Nagpangiti sa kanila ang sinabing yon ni Yuki. Dali dali na silang tumakbo papasok ng bahay.

Mia’s Point of View

“Welcome back!!!” salubong ko sabay sabog pa ng confetti.

Isang surprise party ang inihanda namin ni Nico para sa kanila.

Kinuha ni Nico si baby Mimo “Hello baby!” bati niya, tumawa naman si baby, tila nagustuhan si Nico.

“Totoo ba ito?” tanong ni nanay. Halos maiyak siya dahil sa wakas nakumpleto kaming muli.

Tumalikod si tatay, halos maiyak na rin kasi siya, syempre ayaw niya iyon ipakita sa amin.

“Nay, tay…siguro nga po hindi kayo ang mga magulang ko pero… hindi pa rin non mababago ang katotohanan na kayo ang gusto kong makasama,” sabi ko.

Napatingin sa akin si tatay.

Ngumiti ako kasabay nang pagyakap ko sa kanya, sa kanila.

Nag slice ng cake si Nico para sa lahat.

Si nanay ang nagsalin ng inumin sa mga baso namin.

Nakipaglaro ako kay baby Mimo

Si tatay naman nahihirapan sa pagpili ng kakainin, medyo madami kasi yung inihanda namin ni Nico.

Pero kahit iba iba kami ng ginagawa, may isang bagay na iisa sa amin… ang aming mga ngiti.

Third Person POV

Mula sa labas, natanaw ni Yuki ang buong pamilya ni Mia. Kitang kita niya kung gaano sila kasaya.

Bago niya pa mamalayan may mga luha nang dumadaloy sa kanyang pisngi.

Agad niya iyong pinahid ng kanyang kamay.

“Kung sana, hindi nangyari ang assassination, sana, kami ang pamilyang nakikita ko ngayon,” naisip ni Yuki.

 ***

Mia’s Point of View

“Ate, ate!” gingising ako ni Nico.

Ang tagal na rin mula nang matulog ako sa dati kong kama kaya napahimbing talaga ko.

“Ano ba yon Nico?” tanong ko habang dahan dahang bumabangon.

‘Wala na sina nanay at tatay.”