Chapter 7

133 1 7
                                    

 DON'T EXPECT TOO MUCH. HAHAHA

- - -

Nasa labas na kami ng van ni Gian. Di ko alam ko na nga alam kung pano kami nakalabas eh. 

Nakita ko si Troy ngumingiti ngiti dun sa gilid. Mukhang natutuwa pa sa mga nangyayari. Eh yung hollywood actress nga na nasa harap namin eh nagngingitngit na sa galit.

"Siya ba ang dahilan Gian ha?" sigaw ni Monique. Di ako makapaniwala kasi all this time maamong mukha niya ang nakikita ko sa TV and newspapers. Pero ngayon para siyang leon sa sobrang galit.

"I can't believe this! Pinagpalit mo ko sa isang local actress?" sabay turo sakin! Ang yabang pala nito! Sige ikaw na hollywood actress! Parang gusto ko ng sugurin si Monique pero tumahimik na lang ako. 

"Kahit ganun, all this time hindi niya ko INIWAN." si Gian na yung nagsalita. Parang natahimik si Monique. Ako naman, napatingin kay Troy. Seryoso na rin yung mukha niya pero parang may gusto siyang sabihin sakin. Bago ko pa maintindihan kung ano yung ibig niyang sabihin,.. PAK

Hinawakan ko yung kanang pisngi ko. Ang sakit. Hindi ako nakatingin sa kaniya pero alam ko sinampal niya ko. Nilapitan naman ako agad ni Troy. Pero hindi pa man niya ko kinakausap, sinugod niya agad si Monique.

"Hoy! Ikaw babae ka! Hindi na nga gumanti sa'yo ng salita si Janelle tapos ganito pa ginawa mo sa kaniya? Ngayon sa ginawa mo, kaninong propesyon ang mas mababa? Yung sa local actress lang pero may disposisyon o yung sa HOLLYWOOD ACTRESS NGA PERO MUKHANG WALA NAMANG PINAG-ARALAN? Next time, think before you act. Nakakahiya ka."

"Halika ka na Janelle." nilapitan niya ko at inakbayan para isakay na sa van. 

"Sandali lang." narinig kong sabi ni Gian. Hindi namin siya nilingon ni Troy. Wala naman pala yang sinabi eh. Hindi nga ko pinagtanggol sa ex niya. Mahal niya pa rin siguro. Hays. Magsama kayo!

"Akong maghahatid sa kaniya." sabay hawak sa kamay ko.

"No Gian! Ayusin mo muna yang problema mo bago mo ulit lapitan si Janelle. Okay?" wala ng nagawa si Gian. Binitiwan na niya yung kamay ko at sumakay na ko sa van,. Pinatakbo na ni Troy yung van at sa wakas, nakaalis din kami sa lugar na yun.

 - - -

 GIAN'S POV

 Sorry Janelle. Sabi ko sa sarili ko nang sinampal ni Monique si Janelle. Gustuhin ko mang lapitan ang babaeng kahit kailan hindi ako iniwan kahit trabaho lang ang dahilan, wala akong magawa. Alam kong mas mabigat ngayon ang dinadala ni Monique. After ng mga rejections ko sa kaniya kanina, this time she saw me with another girl. Monique had difficulties in handling her emotions at kapag nakita niyang mas concern pa ko kay Janelle kesa sa nararamdaman niya ngayon, baka mas malala pa ang magawa niya kaya hinayaan ko na lang muna siya.

But this time, kailangan niyang malaman kung ano ang mali niya. More than that, dapat niya ring malaman na wala na talaga kami.

Nilapitan ko siya habang nakatingin sakin yung galit na mga mata niya. Alam ko galit pa rin siya sa nakita niya kanina pero wala akong dapat ipaliwanag dahil wala na naman talaga kami eh. Pero dahil mukhang hindi niya yun maintindihan, mukhang kailangan niya ng matinding paliwanagan.

"MONIQUE." matatag kong sabi sa kaniya. "Makinig ka sakin." sabi ko habang nakahawak sa balikat niya.

"Please love yourself, love your work but DO NOT LOVE ME anymore."

Pagkasabi ko nun umiyak na siya. Pinatahan ko siya pero walang epekto. Kaya hinayaan ko na lang siya. After 5 minutes, napagod din sya kakaiyak. Tumahan na eh.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon