Chapter 24

15.4K 174 33
                                    

Chapter 24

Kinabukasan, gumaling na ang kadramahan ko. Wala na akong sakit kaya pumasok na ko sa school. Si Mike naman, sakin sumasama palagi, as in at hindi pinapansin si Zero at medyo guilty naman ako dun. Bakit ba kasi mas maarte pa sakin itong si Mike?!

“Huy, natingin sayo si Zero.” Sabi ko sakanya sabay kuha ng pagkain sa plato nya. Wala naman syang pake ngayon. Wala sya sa sarili eh. Hahaha. Okay, may gana pa akong mangabuso ngayon.

“Whatever.” Mike sabay irap sakin.

“Hoy, wag ka nga gumawa ng away nyo!”

“Eh! Magsama sila ng manloloko nyang kaibigan. Sa huli baka lokohin lang din ako kaya maganda na yung ako na yung umiwas. Leche. Nababadtrip ako.”

Okay, masyado naman syang OA dun. Pero nababahala din kasi ako no. Kasi baka naeepalan na sakin si Zero. Hindi naman sila magkakagalit kung hindi sila magkaibigan ni Eris eh. Ahhh mabanggit ko lang pangalan nya nababadtrip ako. Masyadong pa-chix.

Isa pa, wala nanaman akong pake kay Eris. Ba’t nga ba kasi ako masyadong nagdadrama eh hindi nga pala kami! Bahala sya sa buhay nya! Kaya dapat, wala na din pakelam samin si Mike kasi nasisira yung kanila ni Zero.

Makakalimutan ko naman sya eh gaya nung nakalimutan ko si Prince dati.

Pero natatawa lang talaga ako, parati na lang akong nagmomove-on sa mga bagay na wala namang nangyari. Okaaay, bakit sobrang epal ko na ata? Feeling ko sa susunod na may dumating na lalaki sakin, hindi nanaman ako yung leading lady nya. Epal ulit ako nyan for sure.

“Ang arte! Hindi ka naman inaano ah!” –Ako

“Kaya nga diba? Sabi ko bago nya pa ako lokohin, lalayo na ako!”

“Wow ha! Nag-aantay ka pang lokohin ka! Kayudin ko kaya ang utak mo?”

“Che! Sayo na nga ako kampi tapos ginaganyan mo ko? How nice!”

“May kampihan palang nagaganap.”

“Hindi mo alam?!”

“Uhh well hindi.”

“Gaga!”

Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin. Tapos medyo nagtaka sya kumbakit nababawasan yung pagkain nya e hindi naman nya daw ginagalaw hahahahahaha. Okay, bat ang hyper ko?

Maya maya pumasok naman ng canteen si Eris at agad nyang nahagip yung pwesto namin ni Mike. Tas cool lang yata yung aura nya ngayon, hindi gaanong kahyper gaya ng palagi nyang aura. Wait lang, nagkapalit ba kami nito ng kaluluwa at puso?! Charat.

Iniwas na nya ang tingin nya sa table namin. Aba’t !@#$%^!!!!! Lakas nitong makapang-irap a!

“Mike, ano ba talagang problema ng mga gagong yun?”

“Problema lang nila ang kagaguhan nila.”

“K.”

“Pero ewan ko ba sa mga yan, kala mo kung makaasta e mean girls. Di cool.”

“Kahit si Zero?”

“Che.”

Napatingin naman ako ulit sa table nila tas para silang may isang mahalagang pagpupulong. LOL. Basta mukha silang mga tangang seryoso dun pero yung mga babae sa paligid nila, halos maglaway. Hahahaha ew. Tapos maya maya, sabay sabay silang napatingin sakin. Uhhh, bakit?

Nag-iwas ako ng tingin at kunwari hihigop ng chuckie kahit na kanina pa naman ubos yun. ANG AWKWARD!!! Really.

Tas naramdaman ko namang hindi na sila nakatingin sakin kaya nakahinga-hinga na rin ako ng maluwag.

“Oh, bat ka kulay violet?”

“WALA.”

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon