02

1M 12.4K 1K
                                    


Stephanie

She couldn't help to sigh when she remember the hate in his eyes. Kahit na kanina pa wala si PJ sa mansion ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang talim ng mga titig nito sa kaniya kanina. Naisip niya na kahit isang taon na silang hindi nagkita na dalawa, hindi pa rin napapawi ang galit ng lalaki sa kaniya.

He's still mad at me...

Nagpaalam na lang siya kay Lolo Rafael at kinuha ang mga gamit niya para magtungo sa Sweet Desire. It was the bakeshop she and her best friend established right after they graduated. Mula sa ipon niya noong nagsimula siyang mag-aral. Palagi naman din kasi siyang pinababaunan ni Nanay Melda ng pagkain noong nasa elementarya hanggang high school siya kaya naman hindi niya masyadong nagagalaw ang mga allowance na ibinibigay sa kaniya ni Lolo Rafael. Nang magcollege naman siya ay nagbebenta rin siya ng mga cookies, cakes, at cupcakes sa mga kaklase niya kaya nagkakaroon din siya ng additional na pera.

Naisip niya rin na mas mainam na sa Sweet Desire na lang siya magpalipas ng buong maghapon niya kaysa isipin niya si PJ.

"Sis! May naghahanap sa'yo sa labas," anunsyo ni Cristine nang pumasok ito sa loob ng stock room nila. Kumunot naman ang noo niya at ibinaba ang hawak na folder. Kasalukuyan siyang nag-iimbentaryo ng mga supplies nila dahil bukas ay magpapadala na siya ng additional orders sa supplier nila. Tapos naman na iyon ng isang staff nila pero gusto niyang i-double check nang makasigurado siya.

"Sa akin? Sino raw?" tanong niya sa kaibigan bago naghugas ng kamay para lumabas at puntahan ang sinasabi nitong bisita niya. Wala naman siyang natatandaan na may inaasahan siyang bisita. Wala rin naman silang deliveries kapag Linggo kaya hindi niya mawari kung sino ang dadalaw sa kaniya.

Lumawak ang ngiti ni Cristine bago hinawakan ang braso niya at inalog-alog iyon. "Si PJ!" she shrieked and she automatically widened her eyes when she heard her.

Hindi niya maiwasan na pagtakhan kung bakit siya binisita ni Paul Jake sa Sweet Desire.

"Si Paul Jake?" she asked her again and she frantically nodded her head while still smiling weirdly at her.

"Yes! It has been a year since I last saw him but he still looks the same, sis. Walang pinagbago, e. I think mas lalo pa nga siyang naging hot!" Hindi naitago ni Cristine ang ngiti at kilig habang sinasabi iyon sa kaniya. Gusto na lang niyang mapailing sa kaibigan.

Mula nang nakilala niya si Cristine noong kolehiyo sila, hindi na talaga nagbago ang pagiging bubbly nito na siyang laging inirereklamo ng mga kaibigan ni Paul Jake, lalo na ni Cupid.

"E, ano raw ang kailangan niya?" kinakabahan na tanong niya sa kaibigan. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya habang iniisip kung paano haharapin ang lalaki.

"Ay, hindi ko natanong," Cristine smiled at her. "Wala rin naman siyang sinabi, e. Puntahan mo na lang!" sabi nito sa kaniya bago hinila ang braso niya palabas ng stock room para puntahan ang lalaki sa labas.

Napailing na lang siya habang naglalakad. Hindi niya rin malaman kung bakit ba sobrang kabado siya na naroon si Paul Jake samantalang nagkita naman sila noong umaga.

Ano kayang ginagawa niya rito?

She heaved a sigh as she walked towards him. He was sitting while looking outside. She also saw that he already ordered coffee and bread.

She cleared her throat when she stood near him. "Cristine said you're looking for me... do you need anything?"

He scoffed before turning his head to her. Napansin niya na kunot na naman ang noo nito habang nakatingin sa kaniya.

His Bed Warmer WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon