Chapter 35: I'd still say yes [Final Chapter]

305K 7.4K 1.2K
                                    

Chapter 35: I'd still say yes [Final Chapter]

TIN POV

3 years later..

"Andito na tayo.."

Minulat ko yung mata ko, tinignan ko agad yung bintana ng eroplano. Nandito na nga ulit ako sa pinas. It's really good to be back.

"Ready ka na bang makita ulit sila?"

Ngumiti ako kay papa at mama, tumango lang ako. Hindi lang ako ready, excited na din ako. After three years, makikita ko ulit sila.

Bumaba na kami nila papa. Sa waiting area, kitang kita ko na agad si Kuya Ace at Miguel. Ang saya saya nila, hindi ko din tuloy maitago yung kasiyahan ko.

Tatlong taon akong hindi umuwi sa pinas. Never akong dumalaw dito kaya lahat bago sakin. Ang laki laki na agad ni Miguel. Ang laki ng tinangkad niya. Si Kuya Ace naman mas lalong naging macho tska nag matured na din yung mukha niya. Aba, lahat ata sila nag bago for good. Hindi ko na tuloy mahintay makita yung iba.

Habang pa uwi kami, nadaanan namin yung USTe pati na din yung school ko nung high school. Lakas naman maka throwback neto. May pinag bago man pero konti lang. Nakakamiss talaga ang pinas. Kahit maganda sa Amerika mas gusto ko pa din dito.

Pagkababa namin sa tapat ng bahay, napa ngiti na lang ako. I'm home, finally.

Madami din nabago sa bahay namin pero yung hindi nabago yung mga pictures namin.

"Ate, kamusta ka pala dun? Hindi ka man lang dumalaw dito kahit minsan. Hindi mo ba kami na miss dun sa US?"

"Nako Miguel! pwede bang hindi tayo na miss ng ate mo?" sigaw sakanya ni mama.

"Sorry Miguel, ayoko muna kasi bumalik dito sa pinas hanggat hindi pa ko graduate. Baka kasi mamaya hindi na ko makabalik sa US."

"Baka naman kasi may boyfriend ka na dun?" nagulat si mama sa tanong ni Miguel.

"Anak may boyfriend ka na dun?"

"Mama wala po! wala nga akong panahon dun eh!" wala din akong intetes mag boyfriend dun.

"Baka naman kasi mahal mo pa si --" bigla naman tinakpan ni mama yung bibig ni Miguel. Hindi naman kaylangan gawin yun ni mama eh, alam ko naman na si Miggy yung tinutukoy ni Miguel eh.

"Sino ba pinaka namiss mo samin anak?" pag iiba ng topic ni mama.

"Syempre ako na yun!" ginulo gulo ko yung buhok ni Miguel.

"Sira ka talaga Miguel! Syempre lahat kayo miss ko." si kuya Ace nakakaloko yung tingin. Ano kayang iniisip niya? "Kuya bakit ganyan ka maka tingin? miss mo ko noh?"

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon