My Binondo Girl After Two Years Chapter 5

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hi there, lover boy!, bati nito kay Andy sabay yumuko at hinagkan sa labi ang dating kasintahan. Sa kabiglaan ay hindi nakaiwas si Andy sa ginawa ni Naomi.

Si Naomi ay maganda, kayumanggi, malaki ang pagkakahawig nito sa artistang si Erich Gonzales.

"Jade, meet Naomi. Naomi, meet my beautiful wife, Jade," pormal na pagpapakilala nito sa dalawa.

"Hi Naomi," simpleng bati nito sa babae. Medyo nabigla at nainis siya nang bigla itong humalik kanina kay Andy sa labi.

"So you are the one that took Andy from me," tuso ang ngiti ni Naomi. "Well, Andy kaya pala hindi ka pwede lumabas ngayong gabi noong niyaya kita the other day dahil may date na kayo ng asawa mo," pagpapatuloy nito sa boses na puno ng lason.

"What are you talking about, Naomi." Matigas na sabi ni Andy. Malamig pa sa yelo ang mga tingin na ipinukol nito sa dating katipan.

"Remember, I called you the other day," patuloy nito.

Hindi makapagsalita si Andy sa galit na naramdaman. Kung hindi lang babae si Naomi ay nasapak na niya ito. Nakita ni Andy na naningkit ang mga mata ni Jade, pulang pula ang mukha nito sa galit.

"Ano ito, Andy?" paasik na tanong ni Jade. "Mayroon ba akong dapat malaman sa inyo?"

"Babe, let me explain," paliwanag nito habang hinawakan ang asawa sa kamay pero iniwaksi ito ni Jade sabay tayo sa kinauupuan.

"Andy, umuwi na tayo please," maiyak-iyak si Jade sa sama ng loob. Dumukot si Andy sa wallet ng kumpol kumpol na pera at iniwan sa lamesa hindi na nagawang bilangin sa pagmamadaling masundan si Jade na nasa may pintuan na ng restaurant.

"Andy, are you going to be free tomorror night. I'm staying at Man..." hindi naituloy ni Naomi ang sasabihin kay Andy dahil bigla siya nitong binalingan.

"I told told you to stay out of my life! And never come near my wife again or you'll regret it, Naomi," matigas ang boses nito.

"Andy, hindi pa tayo tapos. Mahal pa rin kita," pagsusumamo nito.

"I never loved you. Matagal na tayong tapos. Get that in your thick skull!," halos nagyeyelo ang mga katagang lumalabas sa bibig nito. Saka tuluyan ng sumunod sa asawa palabas ng restaurant.

Inabutan niya si Jade na nakatayo sa tabi ng kotseng nakaparada sa harap ng restaurant. Tahimik itong nakatingin sa kanya habang nakahalukipkip.

"Babe, are you okay?" tahimik niyang tanong sa asawa. Hindi ito sumagot sa tanong niya basta na lang itong sumakay ng kotse.

Tahimik silang pareho sa loob ng kotse habang minamaneho ni Andy pauwi ang sasakyan. Paminsan-minsan ay pasekretong tinitingnan nito si Jade. Pilit binabasa ang iniisip ng asawa. Hindi pa rin ito kumikibo, nakatingin lang ito sa mga dinadaanan nilang lugar. Nang makarating sa mansyon ay hindi na nito hinintay si Andy para alalayan siya sa pagbaba. Dumiretso na itong pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok ni Andy ng master bedroom ay nasa loob na ng banyo si Jade. Narinig niya ang tunog ng shower kaya lumabas siya uli at pinuntahan ang silid ni Nanay Zheny. Nakadalawang katok siya bago binuksan ni Zheny ang pinto. Antok na antok ang itsura nito.

"O ikaw pala Andy. Si Sapphire ay nakatulog na dito sa kuwarto ko. Kukunin mo ba? Nasaan si Jade?," nagpupunas ito mukha halatang ginigising ang sarili.

"Nay, pwede ho bang diyan na muna matulog si Sapphire ngayong gabi?" pakiusap nito.

"Oo naman, siyempre gusto kong kasama ko ang apo ko," nakangiting sabi nito sa manugang.

"Salamat po, sige po papasok na ako sa kuwarto namin," paalam nito.

Pagpasok niya uli ng master bedroom ay nakalabas na ng banyo si Jade, naghahanap ito sa chest drawer ng pangtulog. HIndi ito lumingon sa kanya kahit alam nitong pumasok siya ng kuwarto.

"Babe, don't be irrational. Let's talk. Don't make it hard on us, please. She was trying to make trouble, don't you see that?" pakiusap nito.

"Bakit hindi mo sinabi na nagkausap kayo the other day," sita nito.

"I was planning to tell you but I did not get the chance," explain ni Andy sa mahinahong boses.

"Ano, walang chance? Magkasama tayo the whole weekend paanong walang chance," asik nito sa asawa.

"Sarado na naman ang isip mo, Jade. She called me the other day, gusto niyang makipagkita pero sinabihan ko siyang huwag na akong guguluhin pero obviously hindi nakinig." Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ni Andy.

"Okay, Andy. Pakikinggan kita ngayon pero oras na malaman kung mayroong milagrong nangyayari, hihiwalayan talaga kita," banta ni Jade.

"What? Hiwalay na naman! I have been faithful to you, Jade kaya hindi mangyayari ang hiwalayan. Wala ka na bang ibang sasabihin kundi hiwalay every time there's a problem," matigas ang anyo nito,

Tumahimik si Jade sa sinabi ni Andy. Naisip niya na nagiging-unfair siya kay Andy. Mula noong nagkabalikan sila ay ni minsan ay hindi siya nito binigyan nang dahilan para pagduduhan niya ito. Naging ulirang asawa ito sa kanya.

"Okay, sorry na, Babe," anito sa pinalambing na boses sabay yakap kay Andy. "Basta ha, hindi mo na kakausapin iyong ex-girlfriend mo."

"Jade, ikaw lang ang babae para sa akin. Huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko sa iyo," he said in a husky voice. Saka sinuyo nito ng maliliit at padampi-damping halik ang noo niya at mga pisngi, halik na punong-puno ng pagmamahal.

"I love you so much, Jade," bulong nito sa punong-tainga niya.

***Hope you enjoyed reading chapter 5. Please continue to support my work. If you like it, please vote, or like it here at Wattpad, retweet it and share it in your Facebook. I would also appreciate it if you can leave a comment. Thank you. Please follow me also on Twitter @gidgetwitty to get updates on the coming chapters. :)

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon