Whodunnit?(Riddle Special): Which Snake telling the truth?

1.4K 45 61
                                    

Title: Which Snake telling the truth?

Level: Easy

Wala akong maalala kung paano ako napapadpad sa isang malawak na silid na may apat na sulok at balot ng puting tiles, kasama ang binatang si Matthew, estudyante ng isang pribadong eskwelahan.

Nasaan kami? Bakit kami nandito? Sinubukan ko sagutin ang aking mga tanong ngunit sumakit ang ulo ko nang ako’y mag-isip. Gusto ko bumalik sa aking pag-iidlip ngunit hindi ko magawa lalo na’t hindi ko alam kung ligtas ba kami sa lugar na ito.

“Nasaan tayo?” tanong ni Matthew. Lumingon ako sa kaniya at umiling. “Ayos ka lang ba?” tanong niya muli.

Umiling muli ako at sumagot, “M-masakit lang ang ulo ko.”

Mula sa pagkakaupo, tumayo si Matthew at nagsimulang maglibot. Pagkatapos ay bumalik siya sa kinaroroonan ko.

“Isang pintoan.” wika niya sabay turo sa pintoan na nasa aming harapan. “Wala akong makitang doorknob. Sinubukan ko din iyun buksan ngunit ayaw bumukas.”

Tumingin ako sa aking harapan. Ngayon ko lang napansin ang dalawang malaking istatwa ng ulo ng ahas na nakapwesto sa magkabilang gilid ng pinto. Tumayo ako at lumapit sa dalawang istatwa.

Gawa sa bronze ang dalawang istatwa ng ahas at tila nakapwesto upang magbantay. Kapwa nakabuka ang tuka at may mga paa na tila tulad sa ibon. Sumilip ako sa loob ng tuka ng dalawang istatwa. Parehong may maliit na button sa loob at may matatalim na bakal sa loob na sa tingin ko ay makakaputol ng kamay.

Maya-maya’y umugong ang isang ingay na sa tingin ko ay galing sa isang mikropono.

“Kamusta na mga munti kong kaibigan.” Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses at nahanap ko iyun sa isang iskulpulturang maliit na ulo ng ahas na nakakabit sa itaas ng pintoan. Tulad ng dalawang malaking istatwa, nakabuka ang bibig at nakalabas ang mga pangil nito “Alam kung nagtataka kayo kung nasaan at bakit kayo narito ngayon. Bakit nga ba? Narito kayo para sumali sa aking laro. Isang laro upang subukan ang inyong talino at galing at sisimulan natin yan ngayon.”

“Upang makapasok sa susunod na silid, isang sakripisyo ang kailangan maganap.  Isuko ang iyong kamay sa bibig ng ahas na nagsasabi ng katotohanan, ang may malinis na puso at talino ay maliligtas, Kamatayan naman para sa pusong may bahid ng itim at walang alam.”

“Isang bugtong.” Wika ni Matthew. Kahit di ako tumingin alam kung nakakunot ang noo niya.

“So anong plano?”

Nagkibit-balikat ako. “Piliin ang ahas nagsasabi ng katotohanan.”

“at paano?”

Labing limang minuto ang nakalipas, ingay lamang mula sa yabag ni Matthew ang maririnig sa loob, nag-isip kami kung paano namin sasagutin ang bugtong. Ayon sa bugtong isa sa dalawang istatwa ng ahas ay ang nagsasabi ng katotohanan, ibig sabihin ang isa ay ang susi para mabuksan ang pinto. At ang isa ay…

Kamatayan naman para sa pusong may bahid ng itim at walang alam.

At kung pinili naming ang maling istatwa ‘kamatayan’ naman.

Isuko ang kamay…Piliiin ang nagsasabi ng katotohanan.

Tumingin ako sa istatwa. Kamatayan.

Sa tagal ng titig ko sa istatwa tumayo ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko anomang oras ay gagalaw ang istatwa at lalamunin ako ng buo.

Biglang lumapit si Matthew sa kaliwang istatwa, nang kaniya nang aakmaing ipasok ang kaniyang kamay sa bunganga ng istatwa, agad ako nagsalita, “Anong ginagawa mo?”

“Wala na dapat tayong sayangin na oras dito.”

“Paano kung hindi ang istatwa na iyan ang susi na sinasabi ng bugtong?”

“Anong bugtong ang sinasabi mo? Sa una palang walang bibingiay sa atin na clue ang bugtong.  Kaya mo ba sabihin kung ano ang pinagkaiba ng dalawang istatwa sa isa’t isa?

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil sa kahit sa anong anggulo mo tingnan walang painagkaiba ang dalawang istatawa ng ahas. “Kung ganoon ang ang plano mo?” tanong ko. Maaring may alam na sagot si Matthew.

“This game or whatever shit is this is nothing but a game of luck, Frederick. Ang dapat lamang natin gawin ay pumili sa dalawang istatwa na ito at…” Naputol ang pagsasalita niya pati ang ekspresyon ng mukha niya ay nagbago din. Balot ng pangamba.

Napalunok ako.  “At?” Siguradong hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya.

“Kung sakali hindi man ang ahas na ito ang susi,” Tukoy ni Matthew sa kaliwang istatwa ng ahas, “maari nating sabihin na ang istatwa na ito ang maling sagot.”

“Pero mawawalan ka ng isang kamay. At wala tayong gamit upang manggamot ng sugat. Mauubusan ka ng dugo bago tayo makahingi ng tulong sa iba.”

“Alam ko.”

Saglit kaming napatahimik.  Hinahangaan ko ang katapangan ni Matthew ngunit buhay ang pinag-uusapan dito.

“Ako ang gagawa.” Wika ko ngunit naunahan ako ni Matthew. Naipasok na niya ang kaniyang kamay sa loob ng bibig ng istatwa ng ahas.

“Matthew?” gulat ko.

“Magbibilang ako hanggang tatlo. Isa.” Pagsisimula ni Matthew sa pagbibilang.

Napalunok ako.

No. No.

Mag-isip ka Frederick. Mag-isip ka!

Buhay ang kapalit sa pagkakamali mo.

Ano ba? Mag-isip ka.

Muli ko inalala ang bugtong.

Upang makapasok sa susunod na silid, isang sakripisyo ang kailangan maganap.  Isuko ang iyong kamay sa bibig ng ahas na nagsasabi ng katotohanan, ang may malinis na puso at talino ay maliligtas, Kamatayan naman para sa pusong may bahid ng itim at walang alam.

“Dalawa.”

Tumingin ako sa pintoan, sa kisame, sa mga puting pader, sa dalawang istatwa ng ahas.

Teka?

Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Matthew. Kaya mo ba sabihin kung ano ang pinagkaiba ng dalawang istatwa sa isa’t isa?

Piliiin ang nagsasabi ng katotohanan…

ahas na nagsasabi ng katotohanan…

ang may malinis na puso at talino ay maliligtas…

Teka… Teka…

“Tatlo!”

To be continued…

Author’s Corner: Come on guys give me your answer. Answer will be posted after someone answered it correctly or if not I'll post the answer after four weeks.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whodunnit? (Riddle Special): Four Corpse PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon