Chapter 13

426 5 3
  • Dedicated kay Piper S.
                                    

Chapter 13

~Girls' Room~

"Hindi ko yun magiging desisyon kasi si Allister ang pumili sayo. Tsaka hindi naman ako nagkukulang sa kanya. Maagaw mo lang siya kung mangyayari yon... "  sinabi ni Piper.

" .....Ok! Alex, anong tanong mo sakin?  "  sinabi ni Zell.

" um...If magustuhan ka din ni Jeremy. Sinong pipiliin mo sa kanilang dalawa? "  tanong ni Alex.

" Syempre, si Jerome pa din! Hindi naman siya mawawala sa tabi ko eh... " sinabi ni Zell habang nakangiti.

~Boy's Room~

" Bakit ang aga mong matulog? "  tanong ni Allister.

" Para maging mas gwapo pa din ako sayo... " sinabi ni Leo habang nakahiga na siya sa kama niya.

" Anong sinabi mo? " sinabi ni Allister.

Bumangon si Leo and Allister punched him. Lumaban naman si Leo at nag-away na sila. Buti na lang nasa kwarto din yon sina Jerome at Jeremy, sila ang pumigil kayna Leo at Allister. Biglang na lang silang sabay-sabay nag-sneeze. Tumahimik silang lahat.

" Siguro pinag-uusapan nila tayo..."  sinabi ni Jeremy at tumawa siya.

Nahawa sila sa masayahin na attitude ni Jeremy at tumawa na lang sila. Nakalimutan na nina Allister at Leo na nag-aaway nga pala sila kanina lang.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~ The next day ~ Sun. ~

" Wala na ba tayong naiwan? "  sinabi ni Allister.

Sumagot sila na wala na dahil, ayos na ang gamit nilang lahat. Nakita ni Allister na nilalagyan ni Piper nang bandaide yung face ni Leo at dahil, ito sa ginawa niya kagabi. Hinatak agad ni Allister si Piper palayo kay Leo at sinabing " Tara na Leo...Mag-drive ka na. " Parang nainsulto nang kaunti si Leo sa sinabi ni Allister pero, pinalipas na lang niya ito dahil, ayaw na niya nang gulo. Pumasok na silang lahat sa sasakyan.

Habang nagbiyabiyahe sila masyadong foggy ang dinadaanan nila. Sinabi ni Leo " Ano ba to, halos wala na akong makita..." Sinabi ni Zell " Nakakatakot naman...Dito ba talaga tayo dumaan kahapon? ". Niyakap siya ni Jerome at nginitian si Zell. Biglang kumapit si Piper sa damit ni Allister at nakita ni Allister na suot ni Piper yung binigay niyang singsing. Bigla na lang silang may nakitang palapit sa kanila na ilaw at mabilis itong lumalapit sa kanila. Pagkalipas nang wala pang isang minuto nakita na nila na may makakasalubong silang truck.

Ginawa ni Leo ang lahat para iwasan yung truck pero huli na ang lahat. Sinigaw ni Leo " Kumapit kayo, guys! ". Sina Piper, Alex at Zell ay sumisigaw na dahil, umiikot na yung sasakyan nila. Niyakap nang mahigpit ni Jerome si Zell at ginawa din ito ni Allister kay Piper. Humawak na nang mahigpit si Alex kay Jeremy.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising si Piper at nakita niya na nasa masikip na lugar siya. Naamoy niya yung gas nang sasakyan. Nakita niya lahat nang kasamahan niya na full of blood at hindi na din niya suot yung singsing. Nawalan na si Piper nang malay.

End of chapter

T_T    Thanks for reading!

The Heartthrob + The Nerd = Love? (Book 3 of MHFFAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon