Chapter 20 ♥

694K 11K 3.7K
                                    


Kyle POV

After 123456789 years, na-announce na yung mangyayaring engagement sa pagitan namin ni Mandy. Sino pa ba? Psh. Mukha pang pinaghandaan. Yung suot na dress, mukhang bagong-bago pa. Ang make-up ang kapal pa.

Tch. Walang-wala sa baby ko. Kahit hindi mag-ayos, maganda pa din.

Miss ko na baby ko. Musta na kaya yun? Kumain na kaya yun? Aish.

Andito pala ako sa may garden. Wala ako sa mood makipag-plastikan sa mga bisita. Bwisit-a pala . Tch.

Ni isa sa Tigers wala akong in-invite. Di ko naman gusto ang party na ‘to. Buraot lang.

“Kyle...”

Hindi ko na tiningnan ko sino yung tumawag sakin. Boses palang niya alam ko na. “Anong kailangan mo?” sabi ko ng hindi nakatingin sa kaniya.
 
“Small world talaga ‘no? I didn’t expect na hanggang sa huli, tayo pa rin pala. True love huh!”

Natuwa pa siya? Tingin na niya natutuwa ako? “Tch.”

“Ang daming bisita ‘no? I’m sure excited silang lahat sa engagement natin. Halos lahat sila, sinabing bagay daw tayo. And oh by the way, pwede mo ba akong samahang bumili ng isusuot ko sa engagement party natin?”

“Stop that crap Mandy. Hindi ko ginusto ang arrange marriage na’to. Kaya pwede bang huwag mo na akong kausapin?”

Galit talaga ako. Nagbago na isip ko. Hindi ako magmamakaawa kay Mandy na i-let go ako. Tch. Gagalitin ko nalang siya.

“Bakit ba ang init ng ulo mo?”

“Dahil ayoko sa’yo! Ayokong makasal sa’yo.”

Tumawa si Mandy. “As if naman may magagawa ka Kyle? Kawawang Chelsea. Nasa akin talaga ang huling halakhak.”

Potek. Nakaka-badtrip ah.

 “Matuwa ka hangga’t malagutan ka ng hininga ha? Tch.” Aalis na sana ako ng hinila niya ako sa braso.

“Napaka-harsh mo naman magsalita sakin? Parang hindi mo ako minahal dati ah?”

“Partly, yes. Noong minahal ko si Chelsea, doon ko na-realize na hindi naman pala talaga kita minahal dati. Infatuation lang siguro yun dahil bata pa tayo nun.” Sarkastiko kong sabi.

“You're unbelievable Kyle!”

“Yeah. Alam mo sa totoo lang? Naaawa ako sa’yo ngayon. Alam mo kung bakit? Dahil ikakasal ka sakin.”

“Paano naman ako naging kawawa? Okay nga yun eh. Pabor sakin.”

“Tch. Sa tingin mo ba kapag naikasal na ako sayo, mamahalin kita? Kahit pa makasal tayo, si Chelsea pa din ang mahal ko at nag-iisang laman ng puso ko. Kawawa ka dahil hindi ka man lang kayang mahalin ng magiging asawa mo.” Sabi ko.

Napansin ko yung pamumutla ng mukha niya. Ano? Tinamaan ba ka ba?

“Argh!”

Yun lang nasabi niya saka nag-martsa dun sa gitna ng crowd sa mga bisita.

Wag niya akong susubukan. Dahil lalo ko lang ipapamukha sa kaniya kung gaano ko kamahal si nobody.

*
Kinabukasan..

Chelsea POV

Nakatulog na pala ako sa pag-iyak kagabi. Aish. Ang dami pang missed call ni Kyle. Waah. Sayang diko nasagot. Miss na miss ko na siya eh.

Pagbaba ko nagulat ako kasi andito pa din yung tatlo. Sina Adrian, James at Janna.

At nagluluto sa kusina?

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon