RED UMBRELLA <3

25.1K 388 18
                                    

(Chapter 2)

Dahil sa magandang balitang natanggap namin ni mommy ay naisipan naming mag bonding ni mommy sa Mall. Ayoko sanang sumama, kaso pinilit lang talaga ako ni mommy. Lagi kasing kapag nasa labas ako ay ang daming nakamata saakin. At dun uumpisahan na naman nila akong laitin. Nakakaiyak lang. Kaya nga mas gusto ko pang mag kulong sa kwarto ko.

Pagdating namin sa Mall, Ito na nga ang sinasabi ko. Nag uumpisa na naman sila. Ayan na naman ang mga taong nakamata saakin. Daig ko pa talaga ang celebrity kung pag tinginan.

"Look, Mommy, sabi ko naman sayo eh, dapat hindi nalang ako sumama. Tignan nyo po ang mga tao, lagi nalang nakatingin sakin, mga akala mo mga nakakita ng multo!" nakangiwi kong sambit kay mommy. Nakakaasar kasi!

"Ano kaba anak, nagagandahan lang ang mga yan sa'yo. Ngayon lang kasi sila nakakita ng maganda, kaya be proud kasi kakaiba ka sa kanila. Inggit lang ang mga 'yan," nakangiting sabi ni Nommy. 'Yung totoo?Nanunura ba si Mommy? "Anak kaya nga kita sinama dito eh, para ipamimili kita ng mga bagong damit. Yung mga dress. 'Diba maganda 'yun, saka 'yang mga 'yan ang uso ngayon," duktong pang sabi ni mommy.

"Naku mommy, maganda nga 'yang mga dress na 'yan at uso. pero ang tanong, bagay ba saakin? Sa istura kong mukhang sunog na kalabaw ay mga basahan lang ang bagay saakin," sagot ko sa kanya. Medyo nakakainis na kasi eh.

"Anak 'wag ka ngang nag iiisip ng ganyan. Para saaken ikaw lang ang pinaka maganda sa balat ng lupa at pinapangako ko sayo anak, kapag lumago ang negosyo natin, Ipapa MAKE- OVER KITA SA IBANG BANSA," proud na sabi ni mommy kaya naman medyo lumakas ang loob ko. Aaminin ko, medyo sumaya ako dun sa sinabi ni mommy. Make-over. Oh my gosh! 'yan ang isa sa pinapangarap ko. feel ko yan ang sagot sa pagiging super ugly ko hahaha!

"Naku mommy, 'di tatalab yan!Tara na nga po at kumain muna tayo, nagugutom na po ako eh," pag iiba ko nang topic. Actually sumaya talaga ako sa word na make-over. Ayoko lang ipahalata kay mommy na medyo sumaya ako. Ewan ko nahihiya lang siguro ako.

Sa TRAMWAYS kami kumain ni mommy. Sa eat all you can, para sulit.

"Mommy, kaw na kumuha ng food para saakin. Hindi na po ako maka galaw. Sobrang gutom na talaga ako," sabi ko sa kanya. Ganto kasi ako talaga kapag super hungry na. Hindi pa naman ako nakakain ng breakfast dahil excited si mommy umalis ng bahay.

"Okay, sige anak, maupo ka nalang dyan at ako na ang kukuha ng food for you," malambing na sagot ni mommy sa akin.

Mayamaya pa ay nakuha na ako ni mommy ng pagkain at agad naman nya iyong inabot saakin.

"Anak ito na oh, kumain kana dyan at ako naman kukuha ng food para sa sarili ko," sabi ni mommy sabay abot saakin ng food.

Revenge Of Lia (Available on Ficfun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon